MGA NAKAKATULONG NA GABAY KUNG PAANO KA MAKAPGPAPALAKI NG NAPAKARAMING LEMON SA BAKURAN MO

SPONSORED LINKS
May isang kasabihan sa ingles na "If life gives you lemons, then make lemonade". May mabisa at madaling paraan para makapagpalaki ka ng mga napakaraming mga lemons sa sarili mong bakuran. Madali mo itong magagamit dahil napakalapit lamang nito sa iyo at sa likod lang ng bahay mo.



Kung isa ka sa mga tao na mahilig sa lemon o uminom ng lemonade at gamitin ito sa pagluto ay ang pagkakaroon mo ng sariling puno ng lemon ay isang mabisang paraan para makamura sa mga bilihin mo araw-araw.

Ang lemon ay naging sakit dahil sa sariwa at nakakapresko na lasa nito at bukod dito ay punong-puno pa ito ng nutrisyon at mga mineral. Para matutunan mo kung paano ito palakihin o patubuin ay isang napakadali at mabilis na proseso. Ang lemon ay mas gusto sa labas sa mainit na panahon pero maaari din itong palakihin sa loob ng bahay kung tag-lamig. Madali lamang itong palakihin at gagamit ka lang ng ilang kagamitan at mga buto na galing sa isang organic na lemon. Ito ang dahilan kung bakit ipapabasa namin sa inyo kung paano palakihin ang isang lemon tree sa loob o labas ng bahay mo gamit lamang ang mga buto nito. Pero bago tayo pumunta diyan ay basahin muna natin kung ano ang magagawa nito para sa ating kalusugan.

Ang lemon ay hindi ang unang maiisip mo kung gusto mo ng snacks, pero hindi mo maalis ang katotohanan na ito ay punong-puno ng pakinabang para sa ating kalusugan.

Ang lemon ay mataas ang taglay na vitamin C, na nakapagpapatibay ng ating immune system para malabanan ang iba’t ibang uri ng sakit tulad ng lagnat, sipon at ubo. Marami sa mga tao ang hindi alam kung ano nga ba ang nagagawa ng bitamina na ito sa ating katawan. Magagamit din ang lemon para magbigyan ng lunas ang ibang malulubhang karamdaman tulad ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Makakatulong din ito para maibsan ang mga pamamaga, at para mabawasan ang pagkasira sa katawan dahil sa free radicals. Ang lemon ay may iba’t ibang klase ng flavonoids na may antioxidant at anticancer na katangian.

ANG MGA HEALTH BENEFITS NG LEMON:

Nakakatulong ito para sa hydration
Mabisang mapagkukunan ng vitamin C
Para mapaganda ang balat
Pakakatulong para pumayat o magbawas ng timbang
Nakakatulong sa digestion
Para sa sariwa at preskong hininga
Nakakatulong para maiwasan ang pagbuo ng mga kidney stones



PAANO MAGKAROON NG SARILI MONG LEMON PLANT O TREE SA SARILI MONG BAHAY?


Mga sangkap:

Breathable plastic bag
Lemon
Isang paso o lalagyan
Isang lugay kung saan nakakapasok ang araw

PAANO ITANIM NG BUTO NITO:

Basain ang pagtataniman mong lupa at ilagay ito sa lalagyan na may kaunting tubig. Punuin ang bowl ng diniligan na lupang ito, at mag-iwan ng kauting espasyo bago ito mapuno.

Hiwain ang lemon at hanapin ang isang buto na maganda ang hugis. Sipsipin ito para matanggal lahat ng laman ng lemon. Siguraduhin mo lang na hindi ito matuyo dahil dapat basa ito kung itatanim mo na ito. Itanim ito ng at least half an inch sa ilalim ng lupa at diligan ito gamit ang isang spray bottle o isang watering can.

Takpan ang lalagyan gamit ang breathable plasic bag para mapanitili itong mainit at basa. Ilagay ito sa isang mainit na lugar.

Siguraduhin mo lang na hindi sobrang basa ito dahil baka masira o mabulok ang buto. Obserbahan ito hanggang sa susunod na linggo at pagmasdan palagi ang paligid kung saan mo ito nilagay.

Sa paglipas ng panahon, mapapansin mo ang pagusbong nito at maaari mo nang tanggalin ang plastic cover dito. Ilipat ito sa isang lugar na katamtaman lamang ang init pero nakakapasok pa rin ang sinag ng araw.

PAANO ITO ALAGAAN:


Siguraduhin mo na palaging basa ang lupa na pinagtaniman mo dito lalo na kung bata pa ito. Huwag pabayaang maipon ang tubig sa pamamagitan ng drainage holes sa paso kung saan mo ito itinanim.

Ilagay ito sa mainit at naarawan na bintana kung saan makakatanggap ito ng at least 8 hours ng direktang sinag ng araw bawat araw.

Para mapanitili mo itong malusog ay dapat palagi itong nakatatanggap ng wastong dami ng nutrisyon. Gumamit ng fertilizer kung kinakailangan at siguraduhin na hindi sosobra ang paggamit dito.

Obserbahan ito ng mabuti na parang anak mo ito. Kung masyado na itong malaki para sa isang paso ay ilipat ito sa mas malaking lalagyanan. Kung masikip na ito sa loob ng bahay mo ay ilipat ito sa labas. Pangalagaan ito ng mabuti dahil maaari din silang dapuan ng mga sakit at mga insekto.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments