SPONSORED LINKS
Si Rajesh Agarwal, co-program leader ng Cancer Prevention and Control at the University of Colorado Cancer Centre at professor sa Skaggs School of Pharmacy at Pharmaceutical Sciences sa US ay nagsabi na: “Tatlong taon na nakaraan nang ipinakita ng mga mananaliksik ang epekto ng mapait na katas ng ampalaya sa breast cancer cells sa isang Petri dish. Ang mga pag-aaral na ginawa dito sa kasalukuyan ay mas sobra pa ang ginawa kesa sa nakaraan.”
May mga klinikal na pag-aaral din ang nakadiskubre na ang diabetes na pangunahing nagdudulot ng pancreatic cancer ay nagagawan ng lunas dahil sa pagkain ng ampalaya. Sa 2007, isang pag-aaral ang nagpakita na ang pagkain ng 2 grams ng ampalaya ay makakatulong para mapataas ang antas ng glucose sa katawan pagkalipas ng apat (4) na linggo.
Sa isa na namang pag-aaral na inilathala noong 2008 ng International Journal Chemistry and Biology ay nakatuklas na ang compounds na makikita sa amplaya ay pinapabuti ang glycemic control, natakulong sa cells na mag-absorb ng glucose at pinabuti ang overall glucose tolerance. Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa mga daga at nagpakita ng malaking pag-asa na magagamit ito bilang panlunas sa diabetes at obesity.
Ginagamit rin ang ampalaya para sa ibang karamdaman tulad ng colic, lagnat, sunog, paulit-ulit na ubo, masakit na regla at mga kondisyon sa balat.
SPONSORED LINKS
0 comments