NAGKAROON NG OPERASYON ANG ISANG ESTUDYANTE DAHIL SA PAGBUHAT NITO NG MABIGAT NIYANG BAG SA SCHOOL ARAW-ARAW

SPONSORED LINKS
Ang pagpasok sa paaralan para makakuha ng edukasyon ay importante kung gusto mong mabuhay sa competitive na mundo ngayon. Kung hindi ka nag-aral ng mabuti ay mahihirapan kang maghanap ng mabuting trabaho sa kinalaunan.



Ang educational background ng isang tao ang madalas na pinagbabasehan ng mga employers kung hiring sila sa kanilang kompanya. Ito ang dahilan kung palagi na lang kinukulit ng mga magulang ang kanilang mga anak na mag-aral ng mabuti dahil para rin ito sa kanilang kinabukasan.

Sa pagpasok sa school, umaasa ang mga magulang mo na matutunan mo ang lahat na kakailanganin mo para maihanda mo ang sarili mo pagdating ng panahon. Mahalaga para sa mga magulang ang kalidad ng edukasyon na kanilang anak kaya kahit kumuha sila ng tutors para maturuan lamang ng mabuti ang kanilang mga anak ay gagawin nila. Ang iba naman ay pinapapasok sa mga private schools at binibigyan ng lahat ng kinakailangan nilang kagamitan tulad ng libro at baon na pagkain o pera.

Ang mga textbooks o libro ay mahalaga para sa matutunan ng maigi ng mga estudyante ang kanilang subjects o kurso. Marami ang makukuhang impormasyon dito pangalawa lamang sa guro at minsan ay mas marami pa yata itong alam. Bawat subject ay may sariling libro na magbibigay ng lahat ng impormasyon na kakailanganin ng isang estudyante para matutunan ito. Bawat taon, ang ginagamit na libro ay nagbabago at nadaragdagan. May mga pagkakataon na mas makakapal ang mga bagong libro kaya mahirap itong dalhin. At kung sobrang dami na ito ay maaaring magdulot ito ng matinding problema.

Mas maganda siguro kung may kanya-kanyang locker ang bawat estudyante sa kanilang school para mapaglagyan nila ng kanilang mga gamit at libro. Gayunman, hindi ganito ang sitwasyon para sa lahat lalo na sa mga public shools. Nahihirapan dalhin ng mga estudyante ang kanilang mga libro araw-araw papuntang school. Mas gagaan siguro ang kanilang bag kung libro lang ang laman nito pero kasama rin dito ang mga notebooks, lapis, pens at iba pa na importante sa pagpasok sa school. Maraming mga guro ang nagsasabi na dapat dalhin ng kanilang mga studyante ang kanilang mga libro araw-araw kaya wala kahit isa dito ang dapat maiwan sa bahay. Dinadala nila ito sa pagpasok kahit sobrang sakit na ang kanilang likod. At dahil kailangan sa edukasyon ang mga libro ay mahihirapan na matuto ang isang studyante kung wala ang mga ito.

Ang pagbuhat sa backpack na puno ng maraming libro at mga school supplies ay sobrang bigat at maaaring magdudulot ng pilay at pinsala sa likod. Dahil sa matinding stress na maaaring mailagay sa likod ng isang tao ay baka magbago ang natural na curve ng middle at lower backs na hindi lamang magdudulot ng pananakit sa mga bahaging ito pero baka mapinsala din ang spinal column. Makararamdam din ng pananakit sa balikat at braso dahil ang mga kalamnan sa mga parteng ito ay labis na napupuwersa.


Marami na ang pananaliksik na ginawa dito na nagsabi na ang mga mag-aaral, lalo na sa mga elementary schools ay nahihirapan sa kabubuhat ng kanilang mga backpacks dahil sa makakapat at mabibigat na mga libro. Dahil dito ay marami sa mga batang ito ay nagrereklamo ng labis na pananakit sa kanilang mga balikat at likod pero wala silang magagawa dahil kailangan pa rin nilang dalhin ang mga librong ito.

Ayon sa isang pag-aaral, 64% ng mga kalahok ay nakaranas ng pananakit ng likod ng ilang oras dahil sa bigat na dinadala nila sa kanilang likod. Ito ay 2 sa bawat 5 na mga bata na pumapasok sa school. Ang nakakabahala pa ay 21% ng mga bata na ito ay nakaranas ng mga ganitong pananakit sa katawan na tumagal ng hindi kukulang sa anim (6) buwan, ito ay sobra pa sa kalahati ng isang school year. Ang ibig sabihin nito ay habang abala sila sa pag-aaral ay iniinda rin nila ang sakit sa kanilang likod kaya nahihirapan silang matuto.

May isang interview na kung saan may isang tiyo na nagreklamo dahil ang kanyang pamangkin na pumapasok sa primary o elementary school ay unti-unting yumuko ang likod at nakaranas ng pananakit dito. Dahil dito ay nagkaroon ng operasyon ang kanyang pamangkin para lamang maayos ang likod nito. Masyadong nag-aalala ang ilang mga magulang dahil dito, isipin mo lang na hinihiwa ang anak mo ng medical knife dahil lamang sa kadadala nito ng libro sa paaralan. Nagsilbi ito na eye opener para sa mga magulang at mga guro. Mahirap na nga ang mag-aral kaya kung maaari ay huwag nang pahirapan pa ang mga bata sa pagdala ng mabibigat na school bags.

Ang artikulo na ito ay nagsilbi lamang na isang matinding paalala sa mga guro na ang mabibigat na dala ng mga bata ay maaaring makasama sa mga ito. Ano nga ba ang sobrang bigat na? Ayon sa mga eksperto, dapat 20% lamang ng sariling bigat ng tao ang dapat buhatin niya at huwag lalampas dito dahil baka makasama na ito. Ano ba ang magagawa para dito? Huwag pabayaan na maagang magkaroon ng back pains ang mga anak mo na maaaring dalhin niya sa kanyang paglaki. Para maiwasan ito ay sundin lamang ang mga sumusunod:

May ilang mga bagay na magagawa mo para mapagaan ang dinadala ng mga anak mo. Isang halimbawa nito ay ang pagbili ng backpacks na may padded shoulders para mas komportable na dalhin ng bata. Ayusin mo ang pagkakalagay ng lahat na lamang ng kanilang bag sa bawat pagpasok nito. Ilagay ang pinakamabigat malapit sa likod at isama lamang ang mga bagay na kakailanganin para sa araw na iyon. Palagi mong ipa-alala sa anak mo na dalhin ang kanilang backpack gamit ang magkaperahas na balikat hindi lamang ang isa para mas maging magaan ito at hindi masyadong mapuwersa ang mga balikat. Kung maaari ay bumili na lang ng rolling backpacks na may maliliit na gulong para mahila nila ito kung ayaw nilang buhatin ito sa likod nila. May ilang mga schools na may ramps para mas madali mahila ng mga estudyante ang kanilang rolling bags.

Importante ang edukasyon pero ang kalusugan at kondisyon ng katawan ng mga anak mo ay dapat isaalang-alang mo rin araw-araw. Kung nakikita mo na silang nahihirapan ay gumawa kaagad ng paraan para hindi na ito magresulta pa sa pananakit ng katawan.
SPONSORED LINKS

0 comments