PAANO GAMITIN ANG SAGE PARA MALABANAN ANG PARALYSIS AT MARAMI PANG MGA KARAMDAMAN

SPONSORED LINKS
Ang sage ay kilala rin bilang “wonder grass”, ito ay isang halaman o herb na mula sa Mediterranean pero madali itong tumutubo kahit saan. Ito ay may greyish-green na mga dahon, manipins na tangkay at mga bulaklak na may mga kulay na violet, pink, white o blue.



Ang sage ay matagal nang ginagamit bilang panlunas sa maraming uri ng sakit. Mabisa ang mga nutrients na laman nito katulad ng calories, magnesium, phosphorus, potassium, folate, beta-carotene at vitamins A at K. May mga katangian din ito na anti-inflammatory at antioxidant na makikita sa laman nito na cineole, borneol, bornyl acetate at camphene.

ITO ANG 13 HEALTH BENEFITS NA MABIBIGAY NG SAGE:

Binabalanse nito ang nervous system.
May kakayahan itong mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
Bawasan ang sobrang pagkapagod.
Magagamit ito bilang panlunas sa anemia.
May astringent property ito na magagamit para sa oily skin.
Magagamit ito bilang panlunas sa diarrhea.
Para mabawasan ang mga sintomas ng menopause.
Kontrolin ang antas ng blood sugar sa katawan.
Para humilom ang mga sugat at ulcers.
Para sa proteksyon ng vagina.
Mabuti ito para sa pagpapanatili ng wastong tubig sa katawan at bilang panlunas sa cystitis.
Nakakatulong ito sa problema sa bibig at bunganga.
May mga katangian ito na antiseptic at anti-inflammatory.

PAANO GAMITIN ANG SAGE BILANG PANLUNAS:

PARA SA ISYU SA GUMS AT LEEG


Pakuluan ang dahon ng sage at pabayaan itong lumamig pagkatapos. Ikunsumo ito ng hindi kukulang sa 3 beses sa isang araw.



PARA SA SOBRANG PAGPAPAWIS


Ibabad ang halos 50 grams ng pinatuyo na dahon ng sage sa half liter na alcohol (70%). Pabayaan ito ng isang linggo. Pagkalipas ng panahon na ito ay gumamit ng 50 patak araw-araw.

MABUTING INUMIN PARA SA PROBLEMA SA DIGESTION AT PARA HUMILOM ANG SUGAT


Pakuluan ang nasa 3 tasa ng tubig at dagdagan ito ng 3 kutsarita ng pinatuyong sage. Pabayaan itong lumamig at ikunsumo ng hindi kukulang sa 3 beses sa isang araw.

PINAHIHILOM ANG PAGKASIRA SA GYNECOLOGICAL AT NERVOUS SYSTEM

Sa kumukulong tubig, maglagay ng nasa 4 grams na pinatuyong sage. Pabayaan itong lumamig at inumin na parang tsaa.

PANLUNAS PARA SA RAYUMA AT PARALYSIS

Magbabad sa isang bathtub ng ilang minuto na puno ng tubig na may nasa 2 handfuls ng dahon ng sage. Gawin ito ng nasa 2-3 beses sa isang linggo.

PARA SA MABILIS NA PAGHILOM NG SUGAT


Dagdagan lamang ng honey o pulot ang sage at gamitin ito sa sugat.

PANLUNAS PARA SA FUNGAL INFECTION SA BALAT

Magbabad sa isang sage bath ng hindi kukulang sa 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.

PANLUNAS PARA SA DIABETES


Masahihin ang ang mga apektadong parte ng katawan gamit ang sage essential oil.

TANDAAN: Ang sage ay hindi ligtas na gamitin sa mga bunti sa babae o nagpapasuso. Masama din ito para sa mga may problema sa bato o kidneys.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments