PAANO MAGAMIT ANG KALABASA PARA MALABANAN ANG KOLESTEROL, TABA AT TRIGLYCERIDES

SPONSORED LINKS
Normal lang na hindi maging maselan ang karamihan sa tao ngayon pagdating sa kanilang kinakain tungkol sa maaaring maging epekto nito sa kanilang kalusugan. Basta masarap o nakakabusog ito ay wala nang pakialam ang isang tao kung makasasama ito sa katawan nila sa kinalaunan.



Pagdating sa mga nabibili na mga pagkain na produkto ay madalas maloko ang mga tao ng mga advertisement at commercials at nagagawa nila itong bilhin at kainin na walang kamuwang-muwang sa maaaring idulot na komplikasyon ng mga ito sa kalusugan.

Ang madalas na kinakain ng tao ngayon ay puno ng hindi nakakapagpalusog na mga pagkain tulad ng processed meats, fast foods, synthetic sugars, additives, fried foods at refined foods. Kilala ang mga ito dahil sa negatibong mga epekto nito sa katawan.

Ayon sa American Heart Association o AHA, ang cardiovascular ng mga sakit ay isa sa pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga tao sa mundo. Ang high blood pressure at high cholesterol levels ay dalawa sa pangunahing risk factors na nagpapalala sa pagkakaroon ng sakit sa puso sa mga tao. Resulta ito ng mga kinakain nila kasama na rin ang kawalan ng disiplina sa sarili at hindi pag-eehersisyo.

Sa US lang, may halos 85 milyon na katao ang nakaranas ng high blood pressure sa isa sa bawat tatlo na tao sa edad na 20, ito ay base sa isang inilathalang ulat ng American Heart Association o AHA>

Para maipaliwanag ito ng mabuti, ang high blood pressure ay kilala rin sa tawag a hypertension. Ang blood pressure ay ang dami ng puwersa na nakalagay sa pader ng mga arteries na dinadaluyan ng mga dugo at kapag tumaas ang blood pressure, tumataas din ang puwersa na natatanggap ng mga arterial walls. Kapag hindi ito naagapan, magreresulta ito sa iba’t ibang karamdaman katulad ng heart failure, kawalan ng paningin, stroke at mga sakit na may kaugnayan sa kidney.

Sa kabutihang palad, may panlunas para sa high blood pressure, pero nakadepende ito sa ilang mga bagay tulad ng kung gaano ito kalala, o kung may tiyansa na magpatulay ito sa pagkakaroon ng stroke o iba pang cardiovascular na sakit o kahit anong sakit sa katawan. Kung katamtaman lang ang taas nito ay maaaring sabihin ng doktor na ang tiyansa na magkaroon ng isang tao ng cardiovascular disease sa susunod na sampung (10) taon ay nasa higit-kumulang na 20%. Dahil dito ay baka resetahan ka ng ilang medikasyon ng doktor o payuhan ka na baguhin na ang pamamaraan ng buhay mo.

Hindi madali na baguhin ang mga kinaugalian mo nang gawin pero kung para ito sa kalusugan mo ay dapat mo itong gawin. Kailangan mong mag-ehersisyo ng madalas sa umaga para gawin na mas aktibo ang iyong katawan. Maaaring payuhan ka na magbawas ng timbang dahil ang sobrang taba ng katawan ay isang matinding dahilan ng pagkakaroon ng high blood pressure. Sa huli, kakailanganin mo rin baguhin ang mga kinakain mo, iwasan na uminom ng alak o caffeinated drinks.

Ang high cholesterol levels naman o mataas na antas ng kolesterol sa katawan ay nangyayari dahil sa sobrang dami na kolesterol at mga lipids na makikita sa dugo. Maaaring mabuo ito sa plaque sa loob ng mga arteries at dahil dito ay mababawasan ang dami ng dumadaloy na dugo papunta sa puso. Ito ang madalas na nagdudulot ng pananakit ng dibdib at mga komplikasyon sa puso.


Dahil ang kolestero kasama ang ibang mga platelets ay mga pangunahing bagay na gumagawa sa blood clots, ang mga pasyente na may mataas na kolesterol ay mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng pamumuo ng dugo na haharang sa wastong pagdaloy ng dugo papunta sa mga importante na mga organs katulad ng utak at puso.

Ang high cholesterol levels ay maaaring manahin pero madalas ito ay resulta ng hindi malulusog na pagkain at mga bisyo. Huwag kang mag-alala dahil maaari pa itong magbiyan ng lunas o magamot. Hindi ito nagpapakita ng kahit ano na sintomas at malalaman lang kung meron ka sa pamamagitan ng blood test.

Kung isa ka sa nakakaranas ng high cholesterol levels, maaaring alam mo na ang mga gagawin mo para maibsan ang mga nararamdaman mo dahil sa kondisyon na ito. Maaari kang gumamit ng mga mabibiling gamot pero marami sa mga ito ang nagbibigay ng negatibong mga epekto sa katawan. Mas mabuti kung gagamit ka na lang ng isang ligtas at natural na paraan para mabawasan ang antas ng kolesterol sa katawan mo. Ang pagkakaroon ng isang healthy diet, pag-eehersisyo, pag-iwas sa mga bisyo at pagiging aktibo sa pisikal na aspeto ng buhay mo ay malaki ang maitutulong para sa ikalulunas ng karamdaman na ito.

Sa kabutihang palad, may isang tao ang nagkuwento ng sarili niyang karanasan dito at itinuro kung papaano niya nalampasan ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. Sa artikulo na ito ay mababasa mo ang isang all natural na recipe na naisip ng tao na ito, na isa palang doktor na nagkaroon ng mataas na kolesterol, urea, glucose, sobrang taba at triglycerides. Sinubukan niya ang mga natural na paraan para manumbalik ang dating sigla ng katawan niya at namangha siya sa ipinakita ng blood analysis dahil bumalik ito sa normal at kasama dito ang paggamit niya ng epektibo at simple na all natural home remedy na ito.

Ang bisa nito ay kayang patunayan ng napakaraming tao na sumubok dito.

Ito ang nakamamanghang panlunas niya:

Lahat ng sangkap nito ay lubos na natural at organic. Ang kailangan mo lang gawin ay bumili ng organic na pumpkin; makikita mo ito sa grocery store at supermarkets. Hugasan ito ng mabuti bago balatan at hiwain sa mga piraso. Ilagay ito sa blender at lagyan ng tubig bago paghaluin.

Inumin ang smoothie na ito bawat umaga na walang laman ang tiyan, sa hindi kukulang sa 20 minuto pagkatapos mong magising araw-araw sa magkakasunod na 30 araw o isang buwan. Para mas mabisa ito ay huwag pabayaang makalimutan mo itong gamitin ng kahit isang araw lang. Mamamangha ka sa resulta at epekto nito. Subukan mo ito para makita mo kung paano nito pabubutihin ang kondisyon ng katawan mo. Ipabasa ito sa iba para malaman din nila ang tungkol sa resipe na ito. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments