PAANO MAKAGAWA NG SARILI MONG APPLE CIDER VINEGAR SA BAHAY

SPONSORED LINKS
Sa artikulo na ito, mababasa mo ang tungkol sa isang partikular na produkto, ito ang homemade na apple cider. Ito ay matagal nang kilala sa mundo dahil sa lasa nito at ginagamit sa mga pampapayat na inumin ng maraming manufacturers, sa mga resipe at kahit sa mga natural na panlunas.



Makukuha ito ng mga tao sa mga pamilihan para magamit ito sa kanilang mga lutuin. Maraming tao ang gumagamit ng iba’t ibang klase ng produkto sa kanilang kusina para makagawa ng resipe na bago para sa kanila at matikman ang lasa nito.

Gayunman, hindi lahat ng oras ay available ito sa mga binibilhan mo kaya mas mainam kung matutunan mo kung papaano ka makakagawa ng sarili mong ACV sa sarili mong kusina.

PAANO MAKAGAWA NG SARILI MONG APPLE CIDER VINEGAR

Ang vinegar o suka ay isa sa mga importanteng sangkap na magagamit sa kusina, lalo na para mapabuti ng lasa ng mga salads. Pero dahil marami ang gusto dito ay nagkakaubusan minsan sa binibilhan mo kaya mas maganda kung makakagawa ka ng sarili mo para madalas mo itong magagamit sa mga niluluto mo.

Isulat ang mga impormasyon na mababasa mo dito para makagawa ng sarili mong 100% natural at organic na apple scider vinegar sa loob ng iyong bahay.

Mga sangkap:

Isang malaking babasagin na lalagyan
1 kilo ng mansanas
Mineral water
3 tablespoons ng asukal
1 piraso ng tela

Preparasyon:

Hugasan ng mabuti ang mga mansanas bago ito balatan at hiwain sa maliliit na piraso. Ilagay ito sa babasagin na lalagyan kasama ang asukal at tubig.

Takpan ang container na ito ng isang piraso ng tela at talian ng lastiko o gamit ang bottle o container cap.

Ilagay sa madilim na lugar ang container na ito na may temperatura na 15-26 degrees ng hindi kukulang magkakasunod na 5-6 linggo.

Paglipas ng panahon na ito ay aasim ang mga mansanas o fermented na ang mga ito. Alisin ang tubig at ibuhos ito sa isang babasaging jar at pabayaan ng 3 karagdagang araw.

Pagkatapos nito, masusubukan mo na ang nagawa mong suka kung sapat na ang acidity nito para magamit bilang sarili mong apple cider vinegar.

Kung nagustuhan mo ang mga natutunan mo sa artikulo na ito ay kung maaari ay ipabasa lamang sa iba para malaman din nila. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments