PAANO MAPABABA ANG PANGANIB MO SA PAGKAKAROON NG BLOOD CLOTS O STROKE BAGO ITO MANGYARI

SPONSORED LINKS
Ang blood clots o pamumuo ng dugo ay sadyang napakadelikado. Ang mga ito ay jelly-like na pagkabuo ng dugo na nangyayari kapag tayo ay nasugatan para mapigilan ang sobrang pagdurugo. Sabay-sabay na gumagana ang mga proteins at platelets sa plasma para makabuo ng clot sa apektadong parte. Madalas itong nilulusaw ng katawan kapag ang sugat ay humilon na.



Ang pamumuo ng dugo ay nangyayari minsan sa mga arteries o veins kahit walang pinsala dito at hindi nalulusaw ng kanilang sarili lamang. Dahil dito, maaari itong magresulta sa pagkakaroon ng pulmonary embolism at stroke. Mahalaga na malaman mo na ang pamumuo ng dugo ay isang seryosong bagay at kinakailangan ng eksaktong diagnosis at wastong gamot.

MGA TIPO NG BLOOD CLOTS

ARTERIAL BLOOD CLOTS

Ang pamumuo ng dugo ay maaaring mangyari sa arteries o sa veins. Ang arteries ay mga blood vessels na dinadaluyan ng dugo paalis sa puso, at ang veins naman ay ang may kagagawan ng pagdala ng oxygen depleted na dugo pabalik sa puso.

Ang arteries clots ay nangyayari sa arteries, hinaharangan nito ang dugo kaya hindi mabigyan ng wastong dami ng oxygen ang mga essential organs sa katawan. Madalas itong nabubuo sa hita at paa, pero minsan ay sa utak na nagreresulta sa stroke at sa puso rin kung saan magdudulot ito ng atake sa puso.

Mga sintomas ng Arterial Clots:

Nangingilig o kawalan ng pakiramdam sa kamay at paa
Pananakit ng kalamnan o spasms sa mga apektadong bahagi
Panghihina ng mga apektadong bahagi
Ang mga daliri at kamay ay malamig kung hawakan
Kawalan ng kulay sa mga apektadong bahagi
Malamig na kamay at paa
Risk Factors para sa Arterial Clots:
Obesity o sobrang taba
Hypertension
Kakulangan ng pisikal na aktibidad
Diabetes
Paninigarilyo
Mataas na kolesterol

VENOUS BLOOD CLOTS

Ang venous blood clots ay nabubu sa mga veins. Ito ay karaniwang nangyayari pagkatapos ng isang operasyon o kapag nakaranas ng isang trauma katulad ng nabaling paa. Sa katotohanan, may tatlong klase ng pamumuo ng dugo na maaaring mangyari sa paa, ang deep vein thrombosis o DVT, pulmonary embolism o PE at superficial thrombosis.

DVT: Ito ay madalas mangyari sa ibabang bahagi ng paa, baywang o hita, pero maaari rin itong mabuo sa atay, intestines, kidneys, kamay at utak

PE: Ito ay isang deep vein thrombosis na nahiwalay sa pinagmulan nito at nakaabot na sa baga.

Superficial Venous Thrombosis: Nabubuo ito sa mga ugat na malapit sa ibabaw ng balat at kinakailangan ng isang immediate treatment.

Mga sintomas ng Venous Clots:
Pamumula ng balat sa apektadong vein
Masakit at namamaga na balat sa apektadong vein
Masakit na vein o ugat at mahirap hawakan
Maagang mga sintomas ng blood clots:

Ang sintomas ng blood clots ay marami at depende kung saan ito nangyari sa katawan. Ang American Society of Hermatology ay nagsabi na ito ang mga sintomas na maaaring idulot nito:

Kamay o paa: Mainit na pakiramdam, pamamaga, paglambot o unti-unti o biglaang pananakit
Tiyan: Diarrhea, matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka
Utak: Malabong paningin, pagkahilo, pananakit ng ulo, hirap sa pagsalita at panghihina ng mukha, kamay o paa.
Puso: Pagpapawis, pagkahilo, kakulangan ng hininga, magaan ang ulo, pananakit ng dibdib at masakit na pakiramdam sa itaas na bahagi ng katawan.
Lung: Lagnat, pagpapawis, pag-ubo ng dugo, pananakit ng dibdib, kakulanngan ng hininga at mabilis na tibok ng puso.


APAT (4) NA BLOOT CLOT PREVENTION TIPS:

Healthy Diet

Iwasan na kumain ng mga nakakasama sa puso tulad ng processed foods, Tran’s fats, refined carbohydrates, artificial sweeteners, sugars at GMOs/

Active Lifestyle

Iwasan na umupo ng matagal. Siguraduhin na madalas kang nag-eehersisyo. Kung ikaw ay may sedentary job o nakaupo ka palagi sa trabaho ay maglakad-lakad minsan para maunat ang mga paa.

Avoid Smoking

Iwasan ang paninigarilyo ng mga tobacco products o vapor devices dahil sobra itong pinatataas ng tiyansa mong magkaroon ng blood clots.

Medication Changes


Ang mga medikasyon na ginagamit dahil sa kanser, blood pressure at hormones ay tinataasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng blood clots.

ANIM (6) NA NATURAL NA BLOOD THINNERS AT SUPPLEMENTS

Ang mga halaman at supplements sa baba ay makakatulong para sa kalusugan mo at ligtas na magagamt para mapigilan ang pagkakaroon ng blood clots.

Omega 3 Fatty Acids


Ang mainam na mapagkukunan nito ay walnuts, pumpkin seeds at isda tulad ng salmon, trout at herring.

Vitamin E

Kumain ng mas maraming avocado, walnuts, broccoli at iba pang leafy green vegetables para tumaas ang supply ng vitamin E sa katawan mo at mapigilan ang blood clots.

Vitamin C

Ito ay isang antioxidant na makapagpapalakas ng cardiovascular health mo at pinipigil ang pagkakaroon ng blood clots.

Bilberry, Ginger at Turmeric

Ang mga herbs na ito ay sobrang epektibo pagdating sa pagpapababa ng kakayahan ng platelets na mabuo na nagreresulta sa blood clots.

Gingko
Binabawasan nito ang fibrin content, isang protina na malaki ang ginagawa sa pamumuo ng dugo.

Natural Antibiotics

Ang bawang, sibuyas at olive oil ay isa mga pinakamabisa na natural antibiotics na alam ng sangkatauhan. Ang mga ito ay scientifically proven at ang bawang ay makakatulong ng husto para mapigilan ang pamumuo ng dugo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments