PAANO TANGGALIN ANG SIPON AT PLEMA SA LEEG AT DIBDIB MO NG MABILISAN

SPONSORED LINKS
Ang nasal o throat obstruction ay kadalasang resulta ng ubo at hirap sa paghinga. Bukod dito, ang plema na makikita sa baga ay nakapagpalala din sa ganitong karamdaman. Kahit hindi ito itinuturing na nakakamatay na kondisyon ay sadyang makakaapekto ito sa buhay ng isang tao.



At kapag pinabayaan itong lumala ay maaaring magresulta ito sa mas malubhang mga sakit. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo na bigyan ng lunas kaagad ang matagal mong ubo. Ang pagsasawalang bahala sa kondisyon na ito ay hindi makabubuti para sa iyo at hindi lahat ng sakit sa katawan mo ay kayang magamot ng kanila lamang kung pababayaan mo ito.

ANO NGA BA ANG PLEMA?

Ang plema ay isang paraan ng mga mucus membranes para maprotektahan ang respiratory system. Naglalabas ito ng isang malapot na bagay na nakakahuli sa mga alikabok, alerhiya, bakterya o viruses at ang pangunahing tungkulin nito ay protektahan ka laban sa mga impeksyon tulad ng sipon at ubo. Sa katotohanan, makabubuti ito para sa iyo pero kapag sumobra ito sa leeg at dibidb ay maaaring magdulot ito ng pag-uubo. At dahil ang plema na ito ay puno ng mga dumi, bakterya at viruses ay sadyang masama ito para sa kalusugan mo kapag masyadong malaki na ang akumulasyon nila sa loob ng katawan.

Sa kabutihang palad, may ilang mga natural na panlunas na maaari nating gamitin para dito. At kapag nagawa ito ng tama ay maalis ang sobrang naipon na plema sa baga para maiwasan mo ang mga sakit na maaaring idulot nito.

Ito ang ilan sa mga mabibisang solusyon na magagamit mo para sa sobrang plema sa loob ng katawan:

1. HONEY AT LEMON

Hindi ka kahit kailan na magkakamali sa paggamit ng kombinasyon na ito. Ang mabisang mga katangian ng pinaghalo na lemonat honey ay matinding panlaban sa mga fungal at bacterial infection. Ito ang madalas na ginagamit para sa problema sa ubo at sipon dahil mataas ang laman nito na vitamin C na nagpapatibay ng immune system para malabanan ang lahat ng klase ng karamdaman. Ang acidity ng lemon sa resipe na ito ang sumisira at lumulusaw sa plema.

Paano ito gawin?


Mga sangkap:


2 tablespoons ng lemon juice
1 tablespoon ng organic honey

Preparasyon:


Ihalo ang lemon juice at organic honey sa isang bowl. Ikunsumo ito ng 3 beses sa isang araw para guminhawa kaagad ang pakiramdam.


2. GINGER

Maraming walang gusto na gamitin ang luya o inumin ang ginger tea na gawa dito. Marahil dahil sa matapang na lasa nito. Pero dapat nating malaman na sobrang dami ang magagawa ng luya para sa ating kalusugan. Ito ay may taglay na antihistamine at mga natural decongestant na may antiviral, antibacterial at expectorant na mga katangian. Ang ugat ng luya ay magagawan ng lunas ang isyu sa leeg at dibdib sa pagbawas nito sa sobrang dami na plema dito. Para maiwasan ang maraming uri ng karamdaman sa respiratory system ay uminom ng ilang tasa ng ginger tea o kumain ng 3 hanggang 4 hiwa ng luya araw-araw.

Paano ito gawin?

Mga sangkap:

6 – 7 ginger slices
1 teaspoon ng honey
1 teaspoon ng peppercorn
2 cups na tubig

Preparasyon:

Pakuluan ang tubig sa isang saucepan at ilagay dito ang peppercorn at mga hiwa ng luya. Kapag kumukulo na ang tubig ay takpan ang pan at pabayaan ito ng nasa 1 minuto. Pagkatapos nito, painitan ito gamit ang katamtamang apoy ng halos 5 hanggang 7 minuto. Pabayaang lumamig ito pagkatapos at dagdagan ng organic honey. Magkunsumo ng 2-3 tasa ng timpladang ito araw-araw.

3. STEAM INHALATION


Ito ang isa sa pinakamabisang paraan para magawan ng lunas ang chest congestion at sobrang plema sa katawan. Para sa pinakamainam na resulta ay maaari mong dagdagan ng herbs ang steam water na gagamitin mo.

Paano ito gawin?

Mga sangkap:


4 – 5 cups ng kumukulong tubig

Kalahati sa kutsarita na thyme
Kalahati sa kutsarita na dried rosemary

Preparasyon:

Pakuluan ang tubig at lagyan ng rosemary at thyme sa isang bowl. Habang kumukulo ito, takpan ang ulo ng tuwalya at langhapin ang usok dito. Paninipisin nito ang sipon mo. Gawin uli ito ng ilang beses sa isang araw lalo na kung sobrang barado na ang ilong mo. Maaari ka rin na gumamit ng shower steam ng 2 beses sa isang araw. Magbabad sa isang mainit na tubig panligo ng nasa 10 minuto ang tagal. Makakatulong ito para malusaw ang sipon. Huwag kalimutan na gumamit ng moisturizer sa balat dahil matutuyo ito pagkatapos mong lumigo gamit ang paraan na ito. Mas magiging mabisa ito kung gagamit ka ng essential oil o menthol oil sa tubig at epektibo ito para maalis ang mga mikrobyo, bara at pamamaga sa daluyan ng hangin sa katawan.

4. TURMERIC

Ang turmeric ay maraming laman na Curcuma, isang matibay na antibacterial at antiseptic agent na nakababawas sa plema sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga bakterya na nagiging sanhi ng pagdami ng plema. Pinatitibay din nito ang immune system.

Paano ito gawin?

Mga sangkap:


1 teaspoon ng turmeric
Isang baso ng mainit na tubig
Half a teaspoon ng asin

Preparasyon:

Ihalo ang turmeric sa mainit na tubig. Dagdagan ng asin at ihalo ng mabuti. Imumog ang timpladang ito ng nasa 3-4 beses sa isang araw ng ilang minuto. Makakatulong ito para manumbalik ang sigla ng respiratory system at maalis ang impeksyon at plema sa dibdib.

Ang isa pang mabisang paraan para mapuksa ang mga bakterya at mabawasan ang plema ay ang pagmumog ng tubig na may asin.

Para mabawasan ang plema, mag-ingan na hindi magbahing ng sobrang lakas, iwasan na ma-expose sa mga irritants, dagdagan ang humidity sa bahay mo, gumamit ng warm compresses sa mga apektadong bahagi ng katawan at uminom ng mainit na tubig. Iwasan din ang paninigarilyo dahil pinapalala lamang nito ang sitwasyon.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments