PITONG (7) NAKAMAMANGHANG NATURAL NA HOMEMADE NA MGA RESIPE NA MAGAGAMIT PARA LABANAN ANG FLU O LAGNAT

SPONSORED LINKS
Mahirap ang pangalagaan ang kalusugan sa kasalukuyang panahon dahil sa polusyon sa paligid at dahil na rin sa tamad pagdating dito ang karamihang tao.



Isang kayamanan ang magandang kalusugan at sa pamamagitan nito ay magiging mahaba at masaya ang iyong buhay. Kung masama ang kalagayan ng katawan mo at dinapuan ka na ng chronic o paulit-ulit na sakit ay paaano ka na mabubuhay ng tama dahil dito?

Kung malamig ang panahon maraming tao ang nagkakasakit. Karamihan sa kanila ay nilalagnat at sa paglipas ng panahon ay tumataas ang bilang ng tao na nakararanas nito. Unti-unting humihina ang resistensya ng tao hindi lamang sa paaralan pero sa trabaho at sa bahay din.

Kahit saan ka pumunta may makikita kang tao na nagbabahing, inuubo, niluluha ang mata at namumula ang mukha. Sa malamig na panahon, ang mga sakit ay madaling kumakalat o nakahahawa kahit walang direktang pisikal na contact sa ibang tao na may sakit dahil ang mga sakit na ito ay natatagpuan sa hangin at sa mga bagay-bagay na nahawakan ng mga tao na may sakit. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong mag-ingat palagi sa ginagalawan mong paligid.

Ang pangangalaga sa sarili mong kalusugan ay hindi madali pero makakabuti ito para sa iyo at sa mga tao na nasa paligid mo. Sa artikulo na ito ay mababasa mo ang ilang paraan para makaiwas sa mga sakit at para manumbalik din ang iyong lakas at malusog na katawan.

ITO ANG 7 TIPS NA KAILANGAN MONG GAWIN KUNG MAY LAGNAT KA:

HYDRATE O UMINOM NG TUBIG


Ang lagnat o flu ay nakakaapekto sa buong katawan tulad na lamang ng ilong, mata at kahit ang paraan kung paano ka kumilos at magsalita, sa madaling salita ay manghihina ang katawan mo dahil dito. Kung inuubo ka dahil sa lagnat ay maraming mawawalang tubig sa katawan mo dahil lumalabas din ito bilang vapors sa ating hininga. Kailangan mo ng wastong tubig sa katawan para maiwasan ang kahit anong uri ng sakit. Bukod dito, kung nagsusuka ka at may diarrhea, ang WebMD ay nirerekomenda ang pag-inom ng sports drinks para makuha dito ang kinakailangan na electrolytes ng katawan. Maaari mo ring inumin ang tsaa, soda o tubig.

HUMIGOP NG SOPAS


Maliban sa pagiging hydrated, ang pagkain ay importante rin sa katawan. Magbibigay ito ng kinakailangan mong lakas para sa gagawin mo sa buong araw. Ito ang mabisang panlaban sa panghihina na sanhi ng isang lagnat. Ang isang malinaw na broth soup ay ipinapayo ng WebMD para sa mga tao na nahihirapan sa kanilang lagnat. Ang chicken noodle soup ay isang popular na sopas para dito dahil marami itong laman na gulay na kailangan ng katawan at bukod dito ay madali rin itong ihanda o gawin.

PAGLANGHAP NG STEAM

Ang kailangan mo lang gawin ay masigurado ang patuloy na pagdaloy ng mucous sa loob ng katawan at iwasan na tumigas o maipon ito. Inirekomenda ng Medical News Today ang paglanghap ng steam para dito. Maaari kang gumami ng vaporizer o gawin ito sa bathroom at langhapin ang steam na galing sa isang tsaa na ginawa mo. Gawin ito para mawala ang mucous o uhog sa katawan mo.


PAHINGA

Dahil ginagawa lahat ng katawan mo para labanan ang nararamdaman mo ay manghihina ka dahil dito kaya kailangan mo ng matagal na pahinga. Maaaring huwag munang pumasok sa shool o sa trabaho para makapahinga ang katawan mo. Hindi ito nangangahulugan na matutulog ka na ng buong araw pero kung nakaupo o nakahiga ka lang sa sofa ay puwede na. Ipinapayo ng Mayo Clinic na matulog kapag kinakailangan ito ng katawa mo para sa isang epektibong paraan para makapahinga ng wasto ang iyong katawan.

SUCK O SUMIPSIP

Kung nakararanas ka ng sore throat dahil sa lagnat, ang kailangan mo lang gawin ay sipsipin ang hinlalaki mo at makakatulong na ito para maibsan ang sintomas ng sore throat. Maaari ka ring gumamit ng cough drops o kahit anong throat lozenges at hard candy para sa panandaliang lunas.

PATAMISIN

Nirerekomenda ng WebMD na gumamit ng buckwheat honey para makatulong sa ubo na dulot ng lagnat. Ang pagkunsumo sa isang kutsara na puno ng buckwheat honey ay makakatulong din para maibsan ang iritasyon na sanhi ng sore throat. Maaari kang gumawa ng timpaladang gamit ang honey at lemon tea sa isang kutsarang lemon juice at 2 kutsara ng pulot at ½ na tasa ng mainit na tubig. Inumin ito ng madalas para makatulong sa iyong katawan.

GARGLE O MAGMUMOG


Ang pagmumog sa tubig na may asin ay matagal nang ginagawa ng mga tao at nakakatulong para sa mga karamdaman na may kaugnayan sa lalamunan tulad ng sore throat. Nirerekomenda ng Medical News Today ang paggamit ng hindi kukulang sa 1 teaspoon ng asin sa isang baso ng mainit na tubig. Maaari mo rin itong dagdagan ng lemon juice na hinaluan ng honey. Gamitin ito para maibsan ang pangangati ng lalamunan mo.

Hindi ka dapat sumuko dahil sa lagnat at marami kang magagawa para labanan ito. Tandaan na ang pagiging informed o may kaalaman sa iba’t ibang karamdaman ay isang mabisang paraan para maiwasan at labanan ang mga ito. Kung may natutunan ka sa artikulo na ito ay ipabasa lamang sa iba para malaman din nila ito. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments