SAMPUNG (10) MGA BAGAY NA DAPAT MONG IWASAN PARA HUMABA ANG IYONG BUHAY

SPONSORED LINKS
Maraming mga bagay ang magagawa mo para mabapagal ang biological clock mo para mabuhay ng mas matagal, kahit nasa edad ka ng 20s o 30s, o aabot sa 60s, 70s at sobra pa dito.



Hindi pa huli ang lahat para simulan ang pagbabao sa buhay mo at magkaroon ng mga healthy habits. May mga bagay na dapat mong iwasan para mabuhay ka ng mas matagal at malusog.

IWASAN ANG PAGKAIN SA MGA PROCESSED FOODS

Isa ito sa malaking pagbabago sa madalas na kinakain ng mga tao sa paglipas ng panahon. Kasama sa processed foods, ay lumabas din ang biglang pagtaas ng added sodium, saturated fat, extra sugar at mas maliit na laman na fiber sa pangaraw-araw na kinakain ng mga tao. Lahat ng ito ay nagdudulot ng mga malulubhang mga sakit tulad ng cardiovascular diseases, hypertension, diabetes at kahit kanser.

TIGILAN ANG PANINIGARILYO
Kung naninigarilyo ka ay alam mong mahirap tigilan ito. Gayunman, maraming klase ng sakit ang mapipigilan o maiiwasan mo kung matagumpay mong natigilan ang masamang bisyo na ito. May nagsabi na ang paninigarilyo ay maaaring mabawasan ang buhay mo ng isang dekada.

HUWAG MAGING TAMAD


Kung wala kang panahon para mag-ehersisyo ay subukang humanap ng oras para dito. Ang pag-eeherisyo ng at least 30 minuto araw-araw o 5-6 beses sa isang linggo ay malaki ang maitutulong para mapahaba ang buhay mo.

IWASAN ANG PAGKIMKIM NG GALIT

Ang galit o poot ay kadalasang walang mabuting magagawa para sa isang sitwasyon. Ang antas ng cortisol na isang stress hormone ay tumataas kapag nagagalit ka o may stress at maaari itong magdulot ng negatibong epekto sa iyong puso, metabolism at kahit sa iyong immune system. Ang mataas na cortisol ay iniuugnay sa mataas na bilang ng pagkasawi sa ilang mga pag-aaral tungkol dito.

TIGILAN ANG PAGIGING MAPAG-ISA AT MAKIPAG-SOCIALIZE SA MGA TAO

Ang pagiging social ay isang mabisang paraan para humaba ang buhay mo, nakakatulong ito para mabawasan ang stress at para mapatibay ang iyong immune system. Ang isang magandang relasyon ay gagawin kang mas malakas pero ang pangit na pagsasama ay masama ang magiging epekto sa kaisipan at tataas ang tiyansa mong magkaroon ng depresyon o atakehin sa puso.


TIGILAN ANG KAISIPAN NA ANG MALALAKING BAGAY LAMANG ANG IMPORTANTE SA BUHAY

Ang maliliit o simpleng mga bagay na madalas isawalang bahala natin ay malaki rin ang maitutulong para mapahaba ang ating buhay at mapabuti ang ating kalusugan. Katulad na lamang nga mga klase ng mga madalas nating kainin, pag-eeherisyo, pagiging aktibo sa buhay ay unti-unting magpapalakas sa ating katawan para mapanatili ang magandang kalusugan nito. Subukan mo ang maliliit na pagbabago sa kinaugalian mong gawin tulad ng paggising sa umaga ng 10 minuto na mas maaga para makahanda ka ng mas nakasisiglang tanghalian para sa trabaho.

HUWAG PABAYAAN ANG TAKOT AT KONSENSYA NA PIGILAN KANG PANGALAGAAN ANG IYONG KALUSUGAN

Sa lahat ng bagay na maaaring makaapekto sa haba ng iyong buhay, ang pagiging maingat ay isa sa pinakaimportanteng bagay.

MATULOG SA TAMANG ORAS AT WASTONG HABA

Ang tagal ng pagtulog mo ay nakakaapekto sa haba ng buhay mo at hindi lamang dahil ang inaantok na drayber ay mas mataas ang tiyansa na maaksidente. Ayon sa mga epidemiological na pag-aaral, ang maikling pagtulog na mas kaunti pa sa anim na oras o sobra sa siyam na oras ay mas pinapataas ay tiyansang masawi ng isang tao. Ang kalidad ng iyong buhay ay nakasalalay dito kaya ang wastong pagtulog ay importante para maiwasan mo ang stress, depresyon at kahit sakit sa puso.

ITIGIL ANG SOBRANG PAGSTRESS SA MGA BAGAY-BAGAY

Katulad na lamang ng galit, ang stress ay malaki ang epekto sa katawan at maaaring paikliin ang buhay mo. Sa pagbawas nito, mas ikabubuti ito ng kalusugan at kalidad ng buhay mo sa paglipas ng panahon.

TIGILANG UMASA SA O SISIHIN ANG IYONG GENES

Magandang balita ito para sa mga tao na walang magandang lahi. Ang environmental at lifestyle factors katulad ng diet, ilang beses mag-ehersisyo, kung nakababad ka sa toxins sa trabaho, gaano kataas ang stress mo sa katawan, gaano ka kamaselan sa mga medical tests at screenings at kahit ang tibay ng relasyon mo sa isang tao ay malaki ang kaganapan kung gaano kabilis ang pagtanda mo at sa haba ng buhay mo. Wala kang magagawa sa mga minana mong genes pero mas makikinabang ka kung itutuon mo ang atensyon mo sa mga bagay na maaari mong kontrolin.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments