SAMPUNG (10) PRUTAS NA MAKAKAIN MO KUNG MAY DIABETES KA

SPONSORED LINKS
Ang diabetes ay kayang kontrolin sa tulong ng maraming bagay. Ang ilan dito ay pagiging maselan sa mga kinakain, oras ng pagkain at laki ng kinakain at mga pagbabago sa pang-araw-araw na aktibidad. Isang pag-aaral na ginawa kamakailan lang ang nagsabi na ang mga prutas ay nakakatulong sa pagbawas ng sintomas ng diabetes sa isang indibidwal.



Ang mga prutas ay may klase ng sugar na walang kaugnayan sa pagtaas ng blood sugar sa katawan ng tao. Sa katotohanan, ito ay may kakayahan na depensahan ang katawan laban sa maraming klase ng sakit kahit sa stroke. Nangyayari ito dahil nababawasan ang triglyceride at produksyon ng kolesterol sa katawan.

Mariin na inirerekomenda ang pagkain ng prutas na may mababang antas ng GI, o low content sugar at high fiber content fruits sa mga tao na mayroong diabetes.

ITO ANG SAMPUNG (10 PRUTAS NA NABIBILANG SA GRUPO NA INIREREKOMENDA PARA SA MGA DIABETICS:


APPLES


Hindi lamang ito mainam na mapagkunan ng soluble fiber, may taglay din ito na anti-inflammatory components para mas mabilis na makarekober sa impeksyon ang katawan ng isang may diabetes. Meron din itong pectin na nakatutulong sa pagpapabagal ng absorption ng sugar sa dugo.

Ang mansanas ay puno rin antioxidants na nakapagpapatibay ng immune system ng isang tao. Magagamit rin ito bilang digestive cleanser at para sa pagpapababa ng antas ng kolesterol.

BLACK JAMUNS

Ang prutas na ito ay naging sikat dahil sa kakayahan nitong pabutihin ang antas ng blood sugar sa katawan ng isang tao. Wala itong laman na kahit na anong sucrose at may hypoglycemic effect din na nakatutulong para mabawasan ang urine at blood sugar levels. Bukod sa pagiging pulp, ang buti rin nito ay magagamit para makontrol ang diabetes ng isang tao.

May mga compound ang mga buto nito na kung tawagin ay jamboline na mabisa sa pagpigil ng conversion ng starch upang maging sugar, at dahil dito ay nakakatulong sa pagpapanatili ng wastong antas ng blood sugar ng isang tao.

PAPAYA


Ang maganda sa papaya ay madali lang itong makita kahit saan. Puno ito ng importante na mga bitamina at mineral na nakabubuti para sa kalusugan ng lahat ng tao hindi lang sa mga nakararanas ng diabetes. Puno rin ito ng fiber at antioxidants. Pinipigilan nito ang pagkasira ng cells at dinidepensahan ang nervous system at puso ng isang tao.

WATERMELON

Ang malaki at juicy na prutas na ito ay walang laman na kahit anong kolesterol at marami sa bitamina at mineral. Bukod dito, ang fiber na ibinibigay nito ay magagamit para kontrolin ang kolesterol sa katawan at panatilihin ang mabuting digestive health ng isang tao.

Huwag mag-alala sa mataas na glycemic index nito dahil binabalanse ito ng ibang mga substances na laman nito kaya ligtas itong gamitin ng lahat ng tao kahit walang diabetes.


PEACHES

Bukod sa mababa sa fat, ang klase ng prutas na ito ay mataas sa fiber, vitamin A, C at kahit sa potassium. Pangkaraniwan lamang ang taas ng glycemic index nito na mababa pa sa 55 kaya mabisa itong gamitin ng mga tao na may diabetes.

GUAVAS O BAYABAS

Kung kinain mo ang isang bayabas na wala ang balat nito, natural mong mababawasan ang sugar absorption sa dugo mo. Ang prutas na ito ay puno ng dietary fiber na mabisang gamitin para maremedyuhan ang constipation at kahit mapababa ang tiyansa na magkaroon ng type II diabetes.

CHERRIES

Puno ito ng enzymes na nakabubuti sa antas ng insulin sa katawan kaya mabisa nito na makokontrol ang blood sugar level ng isang tao. Ang pulang kulay na makikita sa balat nito ay napag-alaman na dahil sa mga substances na nakatutulong para maprotektahan ang puso.

PEARS


Ang maganda sa prutas na ito ay mababa lang ang glycemic index nito. Ang isa pa ay marami ang laman nito na importanteng mga mineral katulad ng iron, potassium, calcium, magnesium at mga bitamina katulad ng E, C at K, beta-carotene, choline, folate, retinol at lutein.

Ang isang kumpol nito ay sapat para makapagpalusog ng buong katawan.

POMEGRANATES

Sa kasamaang palad, ang mga tao na may diabetes ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso sa kinalaunan. Ito ang dahilan kung bakit importanteng kumain ng mga prutas tulad ng pomegranates na puno ng antioxidants para makatulong sa pagprotekta sa mga lining ng blood vessels laban sa pagkasira na maaaring idulot ng free radicals dito.

GRAPES O UBAS

Karamihan sa mga tao na nakararanas ng diabetes ay madalas iniiwasan ang pagkain ng ubas dahil mataas ito sa sugar. Gayunman, isa itong pagkakamali.

Ang mga ubas ay may laman na phytochemical na kung tawagin ay Resveratrol na sobrang bisa pagdating sa pagkontrol sa responses ng blood sugar. Nangyayari ito dahil sa kanyang epekto sa paraan paggawa at paggamit sa insulin ng katawan. Huwag mo itong lubos na iwasan subalit limitahan o liitan lang ang dami ng kinakain.

KONKLUSYON:


Ang napaka-importante na gawin mo ay pumili ng sariwa at whole fruits sa halip na frozen o canned. Kumain ng mabuti at manatiling masigla!
SPONSORED LINKS

0 comments