SIMPLENG MGA PARAAN PARA MABILIS NA BUMUTI ANG PAKIRAMDAM SA STIFF NECK

SPONSORED LINKS
Ang madalas na paggamit ng tablets at smartphones ay maaaring makasama sa mga kasukasuan at kalamnan mo. Ang bahagi ng katawan mo na parating napaparusahan dahil sa kaugalian na ito ay ang leeg.



 Dahil maraming tao na ang gumagamit ng hand-held technology, mas nagiging pangkaraniwan na lang ang mga nakararanas ng stiff neck araw-araw. Panahon na para pag-usapan ang mga simleng paraan para maiwasan ito o mapaginhawa ang pakiramdam sa sakit na idinudulot nito.

BAKIT NAGKAKAROON NG STIFF NECK?

Ang dahilan kung bakit nararanasan ito ng mga tao ay dahil sa maling posture at mahinang mga kalamnan. Isang halimbawa ay ang sobrang katitingin sa computer screen o cell phone kung saan ang mga kalamnan at kasukasuan sa katawan ay nailalagay sa isang hindi kumikilos na posisyon ng matagal na oras. Nababanat sila ng sobra at napapagod ng mas mabilis. Kapag napinsala ang mga kalamanan sa leeg mo dahil dito, mahihirapan ito na lumihis sa ibang direksyon. Ang mga joints o kasukasuan sa parteng ito ay magbabanggaan at pipigilan ang isa’t isa na makagalaw na siyang magiging dahilan ng pulled muscle o damaged nerve. Ito ay magreresulta sa matigas at masakit na pakiramdam sa leeg na maaaring magtagal ng ilang araw o linggo.

SOLUSYON PARA SA STIFF NECK

Habang ang stiff neck ay hindi itinuturing na isang medical emergency, magiging sagabal ito sa pang-araw-araw na aktibidad mo. Kung nakararanas ka ng pananakit dahil dito, may ilang mga paraan na makakatulong para sa iyo. Sa isang artikulo sa Prevention, ipinaliwanag dito ang isang 60 second massage na magbibigay ng mabilis na kaginhawaan sa stiff neck.

Hanapin ang parte kung saan nangagaling ang sakit, pisilin ito ng todo habang nililhis mo ang ulo mo sa direksyon na kabaligtaran ng parte na masakit. Ulitin ito ng 20 beses at sundan ng stretching para marelaks ang mga kalamnan.

Ang Cleveland Clinic ay nagbigay ng ilang impormasyon para magawan ng lunas ang stiff neck:

Magpalipat-lipat sa paggamit ng hot at cold compresses
Magpatuloy sa iyong aktibidad na marahan lang ang kinikilos at walang sakit na nararamdaman
Matulog sa matigas na kama na makasusuporta sa mga kasukasuan
Gumamit ng mga over-the-counter na pain medication
Para sa short-term fix, gumamit ng neck collar para mabawasan ang pressure

Gayunman, may isang paraan na magagamit para kaagad-agad na mapaginhawa ang pakiramdam mo sa video sa baba. Ito ay nagpapakita ng isang babae na nakahiga sa kanyang likod at may isang rolled towel ang inilagay sa ilalim ng kanyang balikat. Ang kabilang braso ay kumilos papunta sa kabilang bahagi ng kanyang katawan habang marahan siyang humihinga ng papasok at palabas na hangin. Sa loob ng ilang segundo lamang, inalis na ang tuwalya at ang babae ay nakangiti na at hinahawakan ang kanyang leeg dahil hindi siya makapaniwala na wala na ang sakit dito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments