SIYAM (9) MGA PAGKAIN NA GAGAWING MAS MATALINO ANG INYONG MGA ANAK

SPONSORED LINKS
Ang mga bata ay nakakatuwa pero maarte pagdating sa pagkain. Ang utak natin ay mas gusto ang nakakalusog na mga pagkain. Ang magandang diet na nakakapagbigay ng mga wastong mga building blocks para sa tama at mabilis na paglaki ng mga bata ay ang mga pagkain na mataas sa Omega 3 fatty acids.



Sa kasamaang palad, maraming mga nanay ang nasisiyahan na kumain lang ng kahit ano ang kanilang mga anak dahil nga maaarte kumain ang mga ito. Pero suwerte pa rin tayo dahil biniyayaan tayo ng kalikasan ng mga masasarap at nakakapagpalakas sa utak na mga pagkain!

ITO ANG SIYAM (9) NA MGA PAGKAIN NA DAPAT KAININ NG ANAK MO PARA MAGING MATATALINO SILA:


1. AVOCADOES

Maaaring nakikita mo ng madalas ang avocado na nabibilang sa listahan ng mga pagkain na marami ang nagagawa para sa ating kalusugan. Ito ay dahil ito ang kasagutan ng ating kalikasan sa halos lahat ng problema sa ating kalusugan. Ang pangunahing kagandahan sa avocado ay punong-puno ito ng good fat. Hindi nakasasama kung masosobrahan ito sa katawan at pinapabilis pa nito ang development ng utak ng mga bata. Gayunman, dahil sa kakaibang lasa nito ay maaaring tanggihan ito ng mga bata pero kung unti-unti mo silang sasanayin dito ay malaki ang maitutulong nito sa paglaki nila. Maaari mo itong gawin na spread sa mga toast para makagawa ng sandwich o gamiting sawsawan para mas ma-enganyo sila sa lasa nito.

2. OATS

Alam natin na mabuti para sa katawan natin ang oats pero hindi masyadong nakakagana ang lasa nito. Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga magulang ay gumagamit na lang ng breakfast cereals kahit alam nilang nakasasama ang sobrang asukal sa kanilang mga anak. Pero hindi rin sila masisi dahil marami silang ginagawa bawat umaga at papasok pa sila ng trabaho. Sa kabutihang palad, maaari mong mapabuti ang lasa ng oats at mapatamis ito ng hindi nawawala ang taglay nito na mga nutrisyon. Maaari mo rin itong lagyan ng berries para mas gaganahan ang mga bata na kainin ito.

3. WALNUTS

Bukod sa masarap at mukhang parang utak na rin ay malaki ang nagagawan nito para sa ating utak. Ang walnuts ay isa sa pinakamabisang mapagkukunan ng Omega 3. Ang Omega 3 ay isang malakas na brain booster dahil gumagawa ito ng DHA, isang importante na structural component ng neurological system. Mataas din sa vitamin E ito at nakakabuti para sa cognitive functions.

4. GREEN LEAFY VEGETABLES

Nirekomenda na sa iyo ito ng doktor, ng nanay mo at pati mga kaibigan na nanay ng nanay mo. Ang green leafy vegetables katulad ng spinach at kale ay mataas ang laman na antioxidant na mabisang proteksyon para sa utak laban sa nakasisirang epekto ng free radicals. Pinapabuti rin nito ang cognitive functions at pinipigilan ang pagkasira nito. Subukan mong pakainin ang mga bata ng mga gulay na ito kahit mahirap. Gumamit lamang ng mga paraan para magawa mo ito. Kumakain ang mga bata sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ang ibig sabihin nito ay kung mas nasisiyahan sila sa nakikita nila ay susubukan nilang kagatin o ilagay ito sa kanilang bibig.


5. EGGS

Kung wala silang alerhiya dito, ang mga itlog ay posibleng isa sa pinakamainam na makakain ng bata mo. Ang egg yolks ay malaki ang nagagawa para sa kalusugan lalo na sa utak. Tumutulong ito para mabuo ang neurotransmitter, acetylcholine. Ang acetylcholine ang nangangasiwa sa komunikasyon sa pagitan ng mga cells at pinapabuti rin nito ang memorya ng mga bata. Punong-puno ng nutrisyon ang itlog at mahalaga para mapanatili ang mabuting kalusugan ng anak mo. Ang maganda dito ay maraming klase ng pagluto sa itlog kaya hindi madaling mababagot ang mga anak mo dito.

6. FISH

Pagdating sa ikabubuti ng pag-unlad ng utak, ang kailangan mo lang ay mga isda. Ang salmon at mackerel ay isa sa magandang halimbawa ng mga fatty fish. Makakatulong ito para mabigyan ng kinakailangan na Omega 3 fatty acids ang utak ng anak mo. Nakakatulong din ang pagkain ng isda para mapigilan ang kawalan ng memorya at pagbaba sa kakayahan ng kaisipan. Mataas din ang taglay nito na vitamin D. Maaari kang gumawa ng fish cakes o tuna sandwich para ganahan ang mga anak mo na kainin ito.

7. FRUITS

Ang maganda sa prutas ay matamis ito at madali mong ito na maipapakain sa mga anak mo. Ang mga prutas tulad ng mansanas ay may taglay na antioxidant na kung tawagin ay quercetin na sadyang nakakabuti para sa mabilis na pag-unlad ng utak. Para mas matindi ang konsentrasyon ng mga anak mo sa buong araw, ang kailangan mo lang ay ang quercetin. May kaugnayan din ito pagdating sa bagay na magagamit mo para malabanan ang unti-unting pagbaba ng kakayahan ng kaisipan. Maaari mong idagdag ang mansanas sa mga pies o salads at isama ito sa tanghalian.

8. YOGURT


Dahil maraming klase ng flavored yogurts ang maaaring makita sa paligid, mahirap makahanap ng isa na magugustuhan ng iyong anak. Marami ang makukuha mo dito na health benefits at ang calcium at proteins na taglay nito ay dalawa lamang sa mga ito. Pero ang nagagawa ng yogurt para sa utak ng mga bata ang hindi masyadong napag-uusapan ng mga tao. Ang good fats na laman nito ay mahalaga sa pag-unlad at kalusugan ng kanilang utak. Ang mga probiotics na laman nito ay mabisa din para mapabuti ang mood ng isang tao, at kung palaging nagwawala ang anak mo ay makakabuti na ipakain mo ito sa kanila. Maaari mo itong isama sa mga prutas at sa kinalaunan ay baka mas piliin ito ng mga anak mo kesa sa ice cream.

9. OLIVE OIL


Ang olive oil ay kilala sa mataas na laman nito na monounsaturated fatty acids na mabuti para sa mabilis na pag-unlad ng utak ng mga bata. Mas mainam kung ipalit mo ito sa madalas mong gamitin na cooking oil pero huwag lang sobrahan ang paggamit. Mas mainam kung wasto lang paggamit mo dito at kung maaari ay iwasan ang deep fried food.

Sa pamamagitan ng mga pagkain na ito ay hindi lamang magiging matalino ang mga anak mo, mas lalakas din ang kanilang katawan. Kung sasanayin mo ang mga anak mo sa iba’t ibang mga lasa ay hindi sila mahihirapan na maging healthy eaters.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments