ANG KULAY NG REGLA MO AY MAGSASABI KUNG ANO ANG MGA DELIKADONG PAGBABAGO SA KATAWAN MO!

SPONSORED LINKS
Ang menstrual cycles sa mga kababaihan ay karaniwang nagtatagal ng hindi kukulang sa 6-7 na araw, pero para sa ilan na mga babae ay iba ang kanilang nararanasan. Ang ilan sa kanila ay nakararamdam ng abnormal cramping na minsan ay may kasamang pananakit ng ulo at tiyan.



Habang sila’y nireregla, ang kulay ng kanilang dugo ay maaaring pula o pink. May ilang pagkakataon na nagiging itim ito o kayumanggi at dito na nag-aalala ang mga babae. Ayon sa mga eksperto, ang maitim na kulay ng dugo ay indikasyon na ito ay unti-unting dumadaloy palabas sa katawan mo.

Hindi maiiwasang paiba-iba ang kulay ng dugo habang nireregla pero sa ilang pagkakataon ay maaaring babala na ito ng isang malubhang karamdaman. Mababasa mo sa baba kung ano ang kaugnayan ng kulay ng regla mo sa maaaring idulot nito sa katawan mo:

PINK
Ang pink na dugo ay madalas nangyayari kapag nireregla pero kung sa kalagitnaan nito ng menstrual cycle ay maaaring indikasyon ito na buntis ka, may hormonal disorder o mga karamdaman na may kaugnayan sa reproductive organs. Kapag nangyari ang ganitong sitwasyon ay kumunsulta agad sa gynecologist mo.

MALABNAW

Madalas mangyari ito kapag mabilis na dumaloy palabas ang dugo at nawalan na ito ng oras para maging matingkad o maitim ang kulay. Wala kang dapat ipag-alala dahil normal lamang ito. Magkakaroon lamang ng problema kung nagtagal ang pagdurugo ng sobra sa isang linggo, kapag ang dugo ay naging pink o hindi ito tumigil.

DARK RED

Ang pula na dugo ay normal lamang lalo sa kalagitnaan ng menstrual cycle. Pero kapag ang kulay ay naging mas matingkad at lumakas ang pagdurugo maaaring indikasyon ito ng miscarriage o maaaring may tumor ka.

ORANGE-RED

Hindi ito isang pangkaraniwan na kulay kapag nireregla at madalas may kasama itong matapang na amoy. Kapag nangyari ito ay kumunsulta agad sa gynecologist mo. Ang kulay na ito ay maaaring dahil may kasama ito na tubig na galing sa cervix.

BROWN-BLACK

Ang kulay na ito ay nasa loob ng uterus at makikita sa regla tuwing madaling-aga. Maaaring masama itong tingnan pero isa itong lumang dugo na nagtagal ng masyado sa loob ng sinapupunan. Normal lamang ito pero kapag may napansin ka na kulay dilaw na dugo ay maaaring indikasyon ito ng isang impeksyon.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments