ANG POSISYON NG IYONG MGA PAA SA PAG-UPO AY MARAMING MASASABI TUNGKOL SA IYO!

SPONSORED LINKS
Maniwala ka o hindi, ang body language ay maraming masasabi tungkol sa isang tao. At alam mo ba na kahit ang paraan ng pag-upo mo ay maaaring gamitin para matuklasan ang iyong layunin at pinakamalalim ng mga sikreto?



Kaya, sa susunod na umupo ka sa paligid na maraming tao, masdan mo lang kung paano sila umupo at malalaman mo na ang maraming bagay tungkol sa kanilang personalidad.

POSITION A

Ang taong ito ay naniniwalang aalis lamang ang problema kapag hindi ito pinansin. Gayunman, hindi ito ang tamang gawin. Sa kasamaang palad, ang mga taong ito ay madalas na pinapasa ang kanilang problema sa ibang tao para hindi masayang ang kanilang sariling oras. Maganda makipag-usap sa mga taong ito, interesante, malikhain, kaakit-akit pero minsan ay parang bata. Minsan din ay bigla na lang sila na nakakapagsalita ng mga bagay na nakakasama sa ibang tao.

POSITION B

Ang mga taong ito ay mapangarapin (dreamers) at merong malakas na imahinasyon. Marami silang magaganda at bagong mga ideya na hindi masyadong pinapansin sa kanilang pinagtratrabahuan. Hindi sila mahilig sa paulit-ulit na gawain at mahilig lumakbay at makakita ng mga bagong kaibigan. Madali lamang sa kanila na magsimula uli kapag hindi sila masaya sa kanilang ginagawa. Bukod dito, hindi nila sinasayang ang kanilang oras sa mga relasyon na hindi sila masaya o mga trabahong malaki ang nawawala sa kanilang positive energy.

POSITION C

Para sa mga taong ito, ang kaginhawaan o comfort ay palaging nauuna. Kapag gusto nilang bumili ng kahit ano, madalas na pinagiisipan nila ito ng matagal para makabili sila ng tamang bagay at maging perpekto at maayos lahat. Sa pagpili ng damit, sapatos, pabango o mga kasangkapan, masyado silang maarte sa pagpili.


Palagi ring magulo o disorganized ang kanilang paligid, pero maayos at walang problema sa kanila na kumilos dito. Hirap silang magpokus at palaging naglalakbay sa malayo ang kaisipan at maaaring sabihin ng tao na arogante dahil hindi ito pinariringgan ang kanilang mga sinasabi.

POSITION D

Ang mga indibidual na mahilig sa posisyong ito ay hindi gustong ma-late at ayaw din nila itong gawin ng ibang tao. Matatalino at maramdamin ang mga taong ito at mahalaga sa kanila ang katahimikan. Hindi nila gustong makipag-away at maglabas ng emosyon sa paligid ng maraming tao. Para sa kanila, ang halik ay isang pribadong gawain at hindi dapat ginagawa sa paligid na maraming tao.

Madali silang kausapin kung ano ang kanilang nararamdaman o opinyon sa isang bagay. Minsan din ay me pagkabastos dila. Madali sa kanila ang makipag-socialize sa mga tao at iniisip na parang isang labanan ang gawaing ito. Para sa kanila ang tahanan ay isang santuwaryo kung saan sila pwedeng makapag-relaks. Mahirap para sa kanila na tanggapin ang pagpuna ng ibang tao at palagay nila dito ay isang personal na pag-atake at kaagad-agad na ipagtatanggol ang sarili.

POSITION E

Matiyaga ang mga taong ito at naniniwalang ang lahat ay darating sa tamang oras. Matigas ang ulo at masugid at hindi kaagad-agad susuko hanggang maabot nila ang kanilang hinahangad. Para sa kanila, ang panlabas na itsura ay mahalaga at handa silang gumastos ng malaki para sa kanilang ikagaganda. Gayunman, maaari itong senyales ng insecurity at kakulangan sa self-confidence. Hirap din silang tanggapin ang pagpuna ng ibang tao.
SPONSORED LINKS

0 comments