ANIM (6) NA NAKABABAHALANG SINTOMAS NA MAGPAPAHIWATIG KUNG MAY KAKULANGAN NA NG POTASSIUM SA KATAWAN MO

SPONSORED LINKS
Ang potassium ay isang importante na mineral na ginagamit ng katawan para maayos ang paggana nito araw-araw. Kapag may kakulangan sa potassium ang katawan, ito ay unti-unting makasisira sa kalusugan ng isang tao.



Ito ay kailangan para sa wastong paggana ng mga kalamanan sa katawan tulad ng mga nakalagay sa puso. Kahit maliit lamang ang binaba nito ay malaki na ang magiging epekto nito sa mga kalamnan, ugat at kahit sa puso.

ITO ANG MGA 6 SINTOMAS NG KAKULANGAN NG POTASSIUM SA KATAWAN:

CONSTIPATION

Ang kakulangan sa potassium ay magdudulot ng masamang epekto sa mga proseso sa katawan tulad ng pagtunaw ng mga pagkain. Ito ay magdudulot ng cramping at abdominal bloating o paglobo ng tiyan.

Gayunman, ang kakulangan sa potassium hindi lang ang natatanging dahilan ng paglobo ng tiyan kaya kailangan mo ring pagmasdan ang mga kinakain mo kung ito ang naging dahilan nito.

PAKIRAMDAM AY LOMOLOBO ANG TIYAN

Kung may kakulangan sa potassium ang katawan, mahihirapan itong kontrolin pagtaas ng sodium na magreresulta sa salt-induced bloating.

PABABAGONG BILIS NG TIBOK NG PUSO

Ang kakulangan sa potassium ay sadyang delikado para sa kalusugan ng puso. Ito ay nagiging sanhi ng irregular heartbeats na sa una ay magiging palaisipan ang totoong dahilan. Ang pagka-abala rin sa mga electrical impulses sa katawan na sanhi ng potassium deficiency ay maaaring magresulta sa arrhythmia.

MATAAS NA BLOOD PRESSURE

Dahil ang potassium ay nakababawas sa epekto ng sobrang sodium sa katawan ay mabisang gamitin ito para pangasiwaan o kontrolin ang antas ng blood pressure.

LUBOS NA PAGKAPAGOD


Para gumana ng mabuti ang bawat cell sa katawan mo ay kinakailangan nito ng potassium. Kung may kakulangan sa potassium ay hindi lamang ito maka-aapekto sa mga cells kung hindi pati na rin sa mga organs sa katawan mo. Kung napapagod ka palagi kahit hindi ka naman sobrang nagbubuhat o nagtratrabaho ay kumunsulta kaagad sa isang doktor.

MAHAPDI O KAWALAN NG PAKIRAMDAM

Ang potassium ay mahalaga para sa mabuting kalusugan ng mga nerves at kung may kakulangan nito ay maaaring makaranas ka ng mahapding sensasyon sa balat at kahit kawalan ng pakiramdam sa ilang bahagi ng katawan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments