HUWAG KA NANG BUMILI NG MGA AVOCADO DAHIL MAAARI MO ITONG PALAKIHIN SA ISANG MALIIT NA PASO SA BAHAY MO!

SPONSORED LINKS
Tumataas na ang kasikatan ng avocado sa paglipas ng panahon dahil sa maraming kagamitan nito sa kusina. Puwede mo itong isama sa halos lahat ng lutuin para mapabuti ang kulay at lasa nito.



Bukod dito ay sadyang nakapagpapalusog din ito ng katawan. Ang matamis at masarap na prutas na ito ay puno ng mga bitamina tulad ng C, K at E at may kasama rin ito na potassium at fiber. Bukod dito, ang langis na makikita dito ay kasing bisa ng langis na makikita sa olive oil.

Ang avocado ay naging isa sa pinaka-importante na aspeto ng isang health diet dahil sa maraming magagawa nito para sa kalusugan. Halos lahat ng health-conscious na mga tao ay kilala ang pagka-epektibo ng prutas na ito.

Ang magandang balita? Hindi ka na gagastos pa para lang makuha mo ang mga pakinabang ng prutas na ito dahil kaya mo itong palakihin sa loob ng bahay mo gamit ang isang simple at madali na paraan.

Ito lang ang mga gagawin mo:

Para ma-cultivate ang isang avocado seed, tusukin lamang ang buto nito ng apat na toothpicks 0na may parehas ang layo sa isa’t isa at kalahati ang lalim.

Ilagay ang buto sa isang tasa ng tubig at ang dimpled na dulo nito ay nakababad sa 1 inch ng tubig. Ang natitira nito ay hindi nakalagay sa tubig at sinusupurtahan ng mga toothpicks sa bibig ng tasa.

Pabayaan ito ng hindi kukulang sa 2-6 linggo sa isang mainit na lugar na may direktang init ng araw.

Kapag umusbong na ang tangkay at ugat nito at nasa haba na 6 inches, putulin ito pabalik sa 3 inches. Pabayaan na umusbong ang mga dahon dito at tumigas ang mga ugat.

Pagdating sa pagtanim, punuin ang isang 10 inches na lapad na paso ng malusog na lupa at ilagay ang buto sa gitna nito.

Ang mga ugat ay dapat nakabaon sa lupa pero ang kalahati nito ay makikita pa rin sa labas. Gumamit ng isang terracotta na paso dahil may mga butas ito sa ilalim para mas madali na makalalabas ang sobrang tubig dito.

Diligan ang mga ugat araw-araw. Kapag naging dilay ang kulay ng mga dahon, pabayaan na matuyo ang buto pero diligan pa rin ito ng kaunting tubig lamang. Kapag natuyo na ang mga dahon o naging kayumanggi na ang kulay nito, isang indikasyon ito na hindi ka gumagamit ng wastong dami ng tubig. Ang gagawin mo lamang sa sitwasyon na ito ay ilagay ito sa lababo, hayaan na bumubuhos dito ang tubig at patuyuan pagkatapos.

Alagaan mo lamang ito ng wasto at sa maikling panahon lamang ay makikita mo na ang unang prutas dito. Magagamit mo na ito sa daily diet mo!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments