ISANG RESIPE PARA MAKAGAWA NG ISANG GINGER TEA NA PANLABAN SA MIGRAINES, HEART BURNS AT JOINT PAINS

SPONSORED LINKS
Ang ginger o luya ay talagang nakamamangha at itinuturing na isang superfood. Dahil marami itong mabubuting pakinabang para sa kalusugan ng tao bilang panlunas sa mga iba’t ibang uri ng sakit at karamdaman ay madalas itong gamitin bilang sa mga natural at homemade remedies.



Ang root crop na ito ay may kakaibang lasa kapag kinain. Nagbibigay ito ng soothing sensation na nakapagpapalamig ng pakiramdam.

Matapang ang lasa at amoy nito kung kakainin mo ito na nag-iisa lamang at hindi nakahalo sa ibang mga sangkap o pagkain. Karamihang mga matatanda ang nagsasabi na ang luya ang sagot sa lahat ng problema mo sa kalusugan. Maraming henerasyon na ng tao ang gumamit nito at nakapagpatunay sa lakas nito bilang isang natural na panlunas.

Ano nga ba ang mga health benefits ng ginger? Mas mainam na pampalit ito sa hot cocoa tuwing taglamig dahil nakakapagparelaks ito ng mga sinuses, ang mga compounds na laman nito ay nagpapatibay din ng immune system para malabanan ang mga sakit, mabilis nito na nagagamot ang mga pangkaraniwan na sakit tulad ng pananakit ng ulo, sipon, ubo at lagnat. Malaki din ang naitutulong nito para mabawasan ang tiyansa na magka-stroke ang isang tao.

Ano pa ang hinihintay mo? Gumawa na ng isang ginger tea para makuha mo lahat ng pakinabang nito para iyong kalusugan.

Paano ito gawin?

Mga sangkap:

Coconut milk
Honey
¼ tsp. ng Ginger
¼ tsp. ng turmeric powder
1 tasa ng tubig

Preparasyon:

Madali lamang itong gawin. Pakuluan ang isang tasa ng tubig kasama ang ginger at turmeric. Kapag kumukulo na ito ay patayin ang apoy at idagdag ang coconut milk at honey. Salain ito bago mo inumin. Kung iinumin mo ang tsaa na ito kahit isang beses bawat araw ay magugulat ka sa mga mabubuting pagbabago sa kalusugan mo!
SPONSORED LINKS

0 comments