ITO ANG MGA BAGAY NA DAPAT MONG MALAMAN BAGO MO GAMITIN ANG TURMERIC ULI

SPONSORED LINKS
Ang turmeric ay mabisa para sa maraming bagay lalo na kung gagamitin ito sa ikakabuti ng katawan ng isang tao. Alam mo ba na may halos 600 na pakinabang ito para sa ating kalusugan?



Ang pangunahing sangkap na makikita sa turmeric ay ang curcumin. Ito ang nagbibigay ng dilaw na kulay sa spice na ito at ang kakayahan nito na magamit bilang panlunas. Mainam kung gagamitin mo ito ng madalas pero may ilang mga bagay na dapat mong malaman bago mo ito magamit.

Ang katawan ng tao ay nahihirapan sa pagproseso ng curcumin. Ipinakita sa mga pag-aaral na palaging mababa lamang ang antas nito sa katawan ng mga tao at hayop kahit ano pa man ang dosis na ibinigay sa kanila.

ANG MAGANDAND BALITA AY MADALI MONG MAPAPATAAS ANG BIO-AVAILABILITY NG TURMERIC SA PAGGAWA NG MGA SUMUSUNOD:

GAMITIN ITO PALAGI KASAMA ANG BLACK PEPPER

Ang black pepper ay magagamit bilang isang epektibong panlunas at mas mabisa kung gagamitin mo ito kasabay ng turmeric.

Ang mga eksperto sa Nutrition Facts ay ipinaliwanag na, “Kung ang mga tao ay nabigyan ng maraming turmeric curcumin, sa loob ng isang oras magkakaroon ng kaunting pagtaas ng antas nito sa dumadaloy na dugo. Hindi ito mapapansin ng tao dahil pilit na tinatanggal ito ng atay. Pero paano kung ang proseso na ito ay napigilan sa paggamit lang ng quarter teaspoon ng black pepper?”

Sinabi rin nila na, “Ang antas ng curcumin sa katawan ay tataas ng todo. Ang kaparehas na dami ng curcumin ay matatanggap na katawan pero ang bio-availability nito ay tataas ng 2000%. Kahit maliit na dami lang ng black pepper o mga 1/20 ng isang kutsarita ay sapat na para makamit ang porsyentong ito. Alam mo ba ang isa pang sangkap na ginagamit sa curry powder maliban sa turmeric? Tama ka dahil ito ay ang black pepper.”

Sa isa na naman na pag-aaral ay ipinakita na ang Piperine ay may kakayahan na palakasin ang bio-availability ng curcumin sa 2000% din. Makikita mo ang resulta na ito sa pag-aaral may pangalan na “Influence of Piperine on the pharmacokinetics of curcumin in animal and human volunteers.”


GAMITIN MO ITO NA MAY KASAMA NA HEALTHY FAT-SOLUBLE

Ang turmeric ay isang fat-soluble, ang ibig sabihin nito ay kung gagamitin ito ng kasabay ng mga healthy fats katulad ng ghee, coconut oil at olive oil ay malalampasan ng kalahati nito ang atay at mapupunta ng direkta sa dugo.

Ipinaliwanag ni Dr. Nibber na. “Napaka-importante nito dahil mas maliit na curcumin ang nabababad sa metabolic enzymes at mas matagal itong mananatili sa katawan.”

TINUTULUNGAN NG INIT NA MAPROSESO O MA-ABSORB NG HUSTO NG KATAWAN ANG TURMERIC


Sinabi ni Dr. Sukunar na, “Ang pinakamainam na paraan para makunsumo ito ay kung isasama mo ito palagi sa iyong mga niluluto. Kung may sauté ka ay iwisik-wisik lang ito. Kung napainitan mo na ang oil ay ilagay dito ang turmeric at mas magiging bio-available ito para sa katawan mo.”

Idinagdag niya na, “Ang mabisang sangkap ng turmeric ay ang curcumin na kahit marami itong pakinabang para sa kalusugan ay nahihirapan itong iproseso ng katawan kung walang tutulong dito. Dito na pumapasok ang sauté pan at mainit na oil. Gumagamit ako ng turmeric sa bawat sauté, quarter teaspoon o kalahati ay sapat na. Pero huwag kang mag-alala sa dami dahil ligtas mong magagamit mo ito ng sobra-sobra.”

KONKLUSYON:


1. Palaging ihalo ang turmeric sa freshly ground na black pepper para palakasin ang bio-availability nito sa 2000%.
2. Dagdagan ng healthy fats tulad ng coconut oil, ghee at olive oil.
3. Painitan ito para maging aktibo ang mga pangunahing sangkap nito.

ITO ANG WASTONG DOSIS NA INIREREKOMENDA NG UNIVERSITY OF MARYLAND MEDICAL CENTER:

Dried, powdered root: 1-3 grams bawat araw.
Fresh root: 1.5-3 grams sa madalas na paggamit.
SPONSORED LINKS

0 comments