ITO ANG MGA NAKAKAGULAT NA MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT KANG MAGKALAT NG ASIN SA BAHAY MO

SPONSORED LINKS
Maniwala ka man o hindi, maraming tao na ang gumamit ng asin para malinis ang kanilang bahay sa lumipas na daan-daang taon.



Ginamit nila ito para malinis at matanggal ang mga bakterya sa mga kagamitang pambahay at ang maganda pa dito ay walang kahit na anong toxic effects ang asin.

Napakamura rin nito kaya mas mabisang gamitin kesa sa mga nabibiling mga mamahaling cleaning products na ang karamihan ay may laman na mga nakalalason na mga kemikal.

ITO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT MONG GAMITIN ANG ASIN SA BAHAY MO:

MAPIPIGILAN NITO ANG PAGKALAT NG MGA LANGGAM


Kung naiirita ka sa sobrang dami na hanay ng langgam na nagdaraan sa mga bitana, pinto at mga kabinet ay maglagay lamang ng kaunting asin sa mga lugay na nakita mo sila. Mababawasan din nito ang antas ng humidity at moisture sa bahay mo.

MAGAGAMIT ANG ASIN BILANG ISANG NATURAL POLISHER NG COPPER, SILVER AT BRASS

Ang mga bagay na ito ay unti-unting mawawala ang kintab at kulay sa paglipas ng panahon lalo na kung napabayaan sila sa isang nakatagong sulok o kuwarto. Para manumbalik ang dati nilang kintab at kulay at magmukhang bago ay magagamit mo ang asin para dito. Ihalo lamang ito sa apple cider vinegar. Ipahid ito sa mga kasangkapan na gawa sa copper, silver at brass hanggang bumalik ang dating kintab ng mga ito. Matatanggal din nito ang mga dumi na nakakapit sa mga kagamitan na ito.

MAGAGAMIT ITO PARA MAPAKINTAB ULI ANG MGA SINK DRAINS

Maglagay ng wastong dami ng asin sa isang mainit na tubig. Ihalo ito ng mabuti bago ito gamitin sa kitchen o bathroom sink. Lulusawin nito ang akumulasyon ng grease na nagbabara sa mga lagusan na ito at tatanggalin ang masamang amoy.

MAGAGMIT ITO BILANG ISANG NATURAL NA CLEANING AGENT PARA SA BINTANA NG BAHAY AT KOTSE

Ihalo lamang sa isang gallon ng mainit na tubig at hindi kukulang sa 2 kutsarita ng asin. Ihalo ito ng mabuti at gamitin ito para linisin ang mga bintana at alisin ang mga mantsa dito. Ang epekto nito ay matagal din na gagana bago lubos na mawala.


MAS MAGIGING BATA ANG BALAT MO DAHIL DITO

Ihalo lamang ang asin sa lavender essential oil o olive oil. Gamitin ito sa katawan mo. Maghintay ng ilang minuto bago mo ito hugasan ng maligamgam na tubig. Magbibigay ito ng mabilis at epektibong exfoliation dahil sa asin. Buko dito, ang balat mo ay magmumukhang mas bata at masigla.

MAGAGAMIT ITO PARA MAIBSAN ANG PANANAKIT SA NGIPIN


Kung nakararanas ka madalas ng pananakit ng ngipin at bunganga, magagamit mo ang asin bilang isang epektibong panlunas. Ihalo lamang ang wastong dami nito sa isang mainit na tubig. Maghintay ng ilang sandali para malusaw ang asin bago ito gamitin bilang isang mouthwash. Mabilis lamang ang epekto nito at giginhawa kaagad ang pakiramdam mo.

MAGAGAMIT MO ITO PARA MAPAPUTI ANG MGA NGIPIN AT PANATILIHIN ANG MABUTING KALUSUGAN NG BIBIG MO

Gumamit ng parehas na dami ng baking soda at asin para makagawa ng isang solusyon na magagamit mo para mapaputi ang mga ngipin. Maaari mo itong gamitin sa kahit anong paraan na gusto mo.

MABISA ITONG GAMITIN PARA MAS MAGANDA ANG RESULTA NG PAGLABA SA MGA DAMIT

Para hindi masyadong lumiit ang mga damit kung nilabhan ang mga ito, dagdagan lamang ng kaunting asin ang tubig sa washing machine. Ang epekto nito ay gagana habang pinatutuyuan mo ang mga damit mo sa araw.

IBALIK ANG DATING KULAY NG KURTINA AT MGA ALPOMBRA

Kung gusto mong manumblik ang dating kulay ng mga kurtina at alpombra sa bahay mo ay maaari mong gamitin ang isang salt-based solution para dito. Makikita mo kaagad-agad ang epekto nito sa isang laba lamang. Ilagay ang isang damit o tela sa isang concentrated salt water. Pagkalipas ng ilang minuto, gamitin ang damit na ito para ipahid sa mga carpets, kurtina at alpombra sa baay mo. Matatanggal rin nito ang mga dumi at mantsa na hindi kayang alisin ng mga nabibili na cleaning agents.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments