ITO ANG MGA NAKATAGO NA HEALTH BENEFITS NG MGA GREEN BEANS (SITAW) NA DAPAT MONG MALAMAN

SPONSORED LINKS
Ang ilan sa mga health benefits ng sitaw ay binabawasan nito ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso at colon canser ang isang tao, kinokontrol din nito ang blood sugar sa mga may diabetes para matiyak na palaging nasa wastong antas ito. Pinapalakas nito ang immune system at binabawasan ang nakasisira na mga free radical cells sa katawan.



Ang mga green beans na ito ay puno ng nutrisyon ay malaki ang maitutulong para mapabuti ang kalusugan ng mga mata, buto at ng digestion. Mababawasan din ang posibilidad ng birth defects para sa mga buntis na babae. Ang low calorie diet na ito ay isa sa pinakamainam na mapagkukunan ng mga bitamina at mineral na hindi gagawing mataba ang isang tao.

Marami din itong laman na fiber at binibigyan ka nito ng lahat ng kinakailangan na protina ng iyong katawan araw-araw. Magbibigay ito ng vitamins A, B6, C, K at folic acid at mga mineral tulad ng calcium, silicon, iron, manganese, potassium at copper.

Mga health benefits ng green beans:

Ito ay isang alkaline na gulay at nakatutulong sa mga tao na acidic.

Depensa ito para sa puso. Ang antioxidant na makikita sa gulay na ito ay makatutulong para mapigilan ang oxidation ng mga cholesterol. Ang oxidized cholesterol ay dumidikit sa mga pader ng blood vessels kung saan binabarahan nito ang daloy ng dugo na kung tawagin ay clogged arteries at nagiging dahilan ng atake sa puso at stroke.

Makatutulong ito para mabawasan ang mataas na blood pressure.

Pinatitibay nito ang mahihinang mga buto.

Ang mga fiber na laman nito ay makakatulong para sa kalusugan ng colon dahil kumakapit ito sa mga cancer-causing toxins para mas madaling matanggal ito sa katawan bago pa nito masira ang mga colon cells.

Proteksyon ito sa DNA para hindi ito masira.

Malakas ang anti-inflammatory effects nito kaya epektibo ito sa mga karamdaman na may pamamaga tulad ng rayuma at astma.

Makatutulong ito sa mga nireregla na mga babae para hindi sila magkaroon ng kakulangan sa iron.

Kilala ito bilang isang energy food.

Mainam itong gamitin sa pagda-diet dahil mababa lamang ito sa calories.

Makatutulong ito sa mga nagpapasuso na mga nanay dahil mas tumataas ang nutrisyon ng kanilang gatas dahil dito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments