ITO ANG PITONG (7) MGA PAGKAIN NA HINDI MO DAPAT PAINITAN ULI

SPONSORED LINKS
Madalas pinaiinitan natin muli ang mga leftovers o tira-tira na mga pagkain. Maaaring dahil puwede pa ang mga ito at nakakatamad magluto ng panibago. Gayunman, hindi lahat ng pagkain ay pwedeng painitan uli. Kung paiinitan mo uli ang mga leftovers ay mawawala lang ng husto ang mga laman nito na nutrisyon at maaari din itong madapuan ng mga nakasasamanang bagay para sa buong kalusugan ng isang tao.



ITO ANG LISTAHAN NG MGA PAGKAIN NA HINDI MO DAPAT PAINITAN MULI:

SPINACH

Ang spinach ay puno ng nitrates, isang nakakasakit na compound na nagiging nitrites kung nababad sa sobrang init na temperatura. Kainin mo ito ng sariwa palagi at itapon ang hindi mo mauubos.

BEETS

Ang beets ay puno din ng nitrates katulad ng spinach, mas mainam kung itatapon mo na lang ang mga natitira nito sa halip na painitan uli.

ITLOG

Kahit makakain ito bilang isang leftover food, mas mabuti kung kakainin mo ito ng malamig sa halip na painitan uli.

MANOK

Ang karne ng manok na pinainitan muli ay baka magdulot ng malubhang pinsala sa digestive tract mo at makasira din sa mga organs mo. Kung paiinitan mo ito uli, marahan mo itong gawin gamit ang mababa na temperatura o kainin na lang ito ng malamig.

MUSHROOM

Ang kabute ay hindi dapat pinaiinitan uli dahil baka magdulot ito ng malubhang sakit sa puso o mga isyu sa digestion. Kainin ito kaagad o kapag tira-tira na lang ay kainin ng malamig.

PATATAS

Ang patatas ay nawawalan ng maraming nutrisyon kapag pinainitan ito uli. Mas mabuti kung kakainin ito kaagad pagkatapos maluto. Kapag kinain mo ang pinainitan uli na puree ng baked potatoes ay maaaring magresulta ito sa isang malubhang sakit.

CELERY

Katulad ng beets at spinach, ang kintsay ay may nitrates na nagiging nitrites kapag pinainitan uli. Karamihan sa tao ay gumagamit ng malaking hiwa ng kintsay na nilalagay nila sa kanilang sopas ilang araw bago ito lutuin pero masamang ideya ito dahil sadyang napakadelikado kapag pinainitan uli ang kintsay.

Kapag paiinitan mo uli ang sopas, tanggalin lamang ang mga piraso ng kintsay dito para maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring idulot nito sa katawan mo.
SPONSORED LINKS

0 comments