ITO AY ISANG NAKAMAMANGHANG HALAMAN NA GUMAGANA BILANG ISANG MAGNET PARA SA MGA POSITIBONG ENERHIYA

SPONSORED LINKS
Ang mga halaman ay ginagamit bilang dekorasyon at pampaganda ng bahay, sa loob at sa labas man nito. Mas magiging sariwa at magandang tingnan ang bahay mo dahil sa mga ito, at bukod dito ay magiging dalisay din ang hangin sa loob ng bahay mo.



Kahit napakarami ang halaman na magagamit mo para sa ikagaganda ng tahanan mo, may isa kaming alam na epektibong magamit bilang magnet para maakit ang mga positibong enerhiya sa paligid at ang halaman na ito ay ang “Crassula Ovata”.

Ang Crassula Ovata ay mas kilala sa pangalan na jade plant, friendship tree, lucky plant o money tree at ito ay isang kasiya-siyang halaman na may maliliit na pink o puti na mga bulaklak.

Ito ay nagmula sa South Africa at Mozambique at madalas na gamitin bilang houseplant ng buong mundo. Sa South Africa, ang Crassula Ovate ay popular sa pagiging halaman ng salapi.

Maliit lang na tubig ang kailangan nito tuwing tag-init at mas kaunti pa sa taglamig. May kuwento din na kasama ang halaman na ito.

Isang mahirap na mambubukid ang nagtratrabaho ng walang pahinga at hindi na niya napapansin ang resulta ng lahat ng paghihirap niya. Isang araw, habang naglalakad siya sa kagubatan, may nakita siyang isang napakagandang halaman at dinala niya ito sa kanyang bahay. Hindi lamang sa dahil maganda ito kaya dinala niya ngunit dahil sa mga dahon nito ay naaalala niya ang isang precious stone na kung tawagin ay jade. Bawat tinitingnan niya ang halaman na ito, nagdadasal siya sa Diyos na bigyan ang buong pamilya niya ng kasaganaan. Sa paglipas ng panahon ay nagkatotoo ito at naisip niya na siguro dahil sa halaman na ito ay mas madaling naiparating sa Diyos ang kaniyang mga pinapangarap.”

Ang maikli at nakamamangha na kuwento na ito ay tungkol sa panata sa Diyos na kung saan ang kagustuhan ng isang tao ay nakamit niya at naging totoo. Ang jade plant ay isang simbolo ng kayamanan at tagumpay sa buhay.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments