KUNG NASA MEDIKASYON KA NA MGA ITO AY IWASANG GUMAMIT NG APPLE CIDER VINEGAR

SPONSORED LINKS
Maraming natuklasang kagamitan na bilang panlunas para sa iba’t ibang karamdaman ang apple cider vinegar o ACV sa nagdaan na mga taon.




Pero kahit marami itong mabubuting epekto sa kalusugan ay makasasama ito sa katawan kung gagamitin mo ito kasabay ng ilang mga medikasyon.

MGA HEALTH BENEFITS NG APPLE CIDER VINEGAR


Ang ACV ay karaniwang ginagamit ng gustong pumayat. Mas madali kang mabubusog dahil dito kaya mas maliit ang mga makakain mo. Sa isang Chinese study, ipinakita dito na ang ACV ay kayang bawasan ang tiyansa na magkaroon ng isang tao ng esophageal cancer ng hindi kukulang sa 37%. Malakas ang antibacterial at antifungal na epekto nito at magagamot nito ang yeast infection at athlete’s foot.

Ang acetic acid na makikita sa ACV ay makapagpapababa din ng mataas na blood pressure at bad cholesterol. Mabisa rin itong gamitin para maiwasan ang maraming klase ng kanser. Ito rin ay ginagamit para sa mga diabetic dahil sa anti-glycemic na katangian nito ay pinipigilan nito ang digestion ng mga starches na isang dahilan ng biglaang pagtaas ng blood sugar levels sa katawan ng isang tao.

HUWAG GAMITIN ANG APPLE CIDER VINEGAR KASABAY NG MGA MEDIKASYON NA ITO!

Maaaring magkakaroon ng kakulangan sa potassium ang katawan kapag gumamit ka ng ACV kasabay ang ilang mga medikasyon. Ito ang ilan sa mga gamot na ito:

Digoxin o Lanoxin


Ang mga gamot na ito ay madalas ginagamit para sa mga sakit sa puso. Kapag naisabay ito sa paggamit ng ACV ay masisira nito ang absorption ng potassium ng katawan ng tao at magdudulot ng mood swings, pagsusuka, problema sa paningin, pagkahilo at diarrhea.


Diuretics – Diuril, Lasix, Microzidea, at Thalitone

Ang mga gamot na ito ay karaniwang ginagamit para sa bloating o paglobo ng tiyan dahil mabilis nitong matatanggal ang naipon na mga tubig sa katawan. Ang potassium ang nagpapanatili sa wastong balanse ng tubig sa katawan. At kung gumamit ka ng ACV kasabay ng mga gamot na ito ay bababa ang antas ng potassium sa katawan na magreresulta sa dehydration.

Insulin


Ang insulin ay isang uri ng gamot na ginagamit para mabalanse ang blood sugar levels sa katawan ng mga tao na diabetic. Kahit mabisang gamitin ang ACV para kontrolin ang blood sugar level sa katawan ng tao ay hindi mo dapat ito isabay sa paggamit ng insulin dahil sobrang makapagpapababa ito ng potassium at blood sugar sa katawan mo.

Mag-ingat sa paggamit ng ACV ng matagal dahil maaaring magdulot ito ng kakulangan sa potassium ng katawan na magreresulta sa iba’t ibang karamdaman. Isang halimbawa nito ay ang pagkunsumo ng halos 8 oz. ng ACV araw-araw sa ilang taon ay maaaring magdudulot ng osteoporosis.

MGA GRUPO NG TAO NA HINDI DAPAT GUMAMIT NG APPLE CIDER VINEGAR:


Mga Buntis At Nagpapasusuo Na Babae

Dapat itong iwasan ng mga buntis at nagpapasuso na mga babae dahil maaaring makasama ito sa sanggol.

Postmenopausal Na Mga Babae

Ang mga postmenopausal na babae ay mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng mas maliit na bone density at dahil ang ACV ay nakapagpapababa ng potassium sa katawan ay maaaring magkaroon sila ng osteoporosis dahil dito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments