MGA IBA'T IBANG PARAAN NA MAAARI NYO MAGAMIT KAPAG MERON KAYONG HIGH BLOOD PRESSURE, LDL CHOLESTEROL, PHYSICAL INACTIVITY, STRESS AT POOR DIET.

SPONSORED LINKS
Makatutulong ito para mabawasan ng todo ang mataas na kolesterol at blood pressure! Kaya dapat mo itong subukan!



Ang high blood pressure o hypertension ay isang pangkaraniwang cardiovascular na uri ng sakit na nakaaapekto sa mga tao kahit ano pa man ang edad. May halos 40% ng nakakatanda na mga tao na sobra sa 25 taon ang edad ang apektado ng kondisyon na ito.

Ayon sa Mayo Clinic, nagkakaroon ang isang tao ng kondisyon na ito kapag nahihirapan na makadaloy sa mga ugat papunta sa puso ang dugo. Simple lang naman ito, kapag masikip o may bara ang dinadaluyan na ugat ng dugo ay mas malaki ang puwersa na kakailanganin nito para makadaan kaya ito ang nagiging dahilan ng mataas na blood pressure.

Napaka-importante na maagapan kaagad ito dahil kapag lumala ang hypertension ay maaaring magpatuloy sa malulubhang mga kondisyon tulad ng atake sa puso at stroke.

Maraming bagay ang nagiging dahilan ng mataas na blood pressure at ang pinakamadalas na sanhi nito ay ang mataas na LDL cholesterol, hindi pagiging aktibo sa mga pisikal na gawain, sobrang stress at hindi wastong pagkain.

GARLIC

Marami ang nagagawang mabuti para sa kalusugan ang bawang at ginagamit din ito sa maraming panahaon para mapabuti ang kalusugan ng puso. Mabisa itong panlunas para sa mga iba’t ibang kondisyon at sakit tulad ng mataas na blood pressure, mataas na kolesterol, coronary heart disease, atake sa puso, atherosclerosis.

Ang pagkabisa ng bawang ay marahil sa pangunahing sangkap nito na kung tawagin ay Allicin na kaparehas ang epekto sa hypertension sa mga nabibiling mga gamot. Matinding binabawasan nito ang LDL cholesterol sa katawan, nakapagpaparelaks din ito ng mga ugat at pinipigilan ang pagbuo ng Angiostensin II.


CUCUMBER

Ang pipino ay mayaman sa tubig, potassium at fiber. Isa ito sa pinakamainam na gamitin para mapabuti ang kalusugan ng puso dahil nakokontrol nito ng maigi ang dami ng sodium sa katawan dahil kapag mataas ito ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng Atherosclerosis. Ang fiber naman ay nakababawas ng kolesterol, nakapagpapapayat, pinipigilan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes at kinokontrol ang blood pressure sa katawan.

CUCUMBER GARLIC SALAD

Ang kombinasyon ng bawang at pipino ay mabisa para manumbalik ang dating sigla ng iyong katawan. Inirerekomenda namin na gamitin mo ng madalas ang resipe na ito para mapabuti ng husto ang cardiovascular health mo.

Mga sangkap:


1 piraso ng cucumber
3 cloves ng garlic
½ hanggang 1 kutsara ng apple cider vinegar
Ilang kutsara ng tubig

Preparasyon:

Hiwain ng mabuti ang pipino.
Balatan at dikdikin ang bawang.
Ilagay ang mga sangkap sa isang malaki at babasagin na bowl.
Lagyan ito ng suka at tubig.
Ihanda mo ito na may halong mint leaves para mapabuti ang lasa.
SPONSORED LINKS

0 comments