PAANO GAMITIN ANG ACV AT BAKING SODA PARA MAKAGAWA NG ISANG FACIAL MASK PARA TANGGALIN ANG ACNE SCARS AT STAINS SA MUKHA

SPONSORED LINKS
Ang itsura ng ating balat sa mukha ay importante dahil ang mukha ang unang napapansin ng ibang tao sa atin. Madalas dito nila binabase ang first impressions nila.



Dahil dito, kailangan mo ng masigla na balat sa mukha mo, kakailangin nito ng walang tigil na pangangalaga gamit ang mga skin care products o iba pa na may kaugnayan sa ikagaganda ng mukha ng tao.

Ang madalas na makasira sa mukha ay ang mga isyu tulad ng acne, scars, sunspots, wrinkles, fine lines, age spots at pimples. Maraming tao ang naghahanap ng madaliang solusyon para sa mga ito at madalas dahil sa desperasyon ay gumagastos para bilhin ang mga mamahalin na beauty care products.

Sa kabutihang palad, mababasa mo sa artikulo na ito ang isang lubos na natural, ligtas at mas mura na alternatibo para matanggal lahat ng problema mo sa balat ng iyong mukha na walang kahit na anong side effects.

Ang pangunahing mga sangkap nito ay baking soda at apple cider vinegar o AVC. Madali makita ang mga ito at maaaring mayroon ka na ng mga ito sa bahay mo pero kung wala ay readily available sila sa mga pamilihan sa paligid mo.

Mga sangkap:


Baking soda
Apple Cider Vinegar
Honey
½ Lemon

Preparasyon:

Lagyan ng isang kutsarita ng apple cider vinegar ang kalahating baso ng tubig. Sa isa na naman na lalagyan, buhusan ito ng kaunting baking soda at marahan na dagdagan ito ng pinaghalo na tubig at ACV. Sa huli, ilagay dito ang lemon juice at haluin ng mabuti hanggang malusaw ang baking soda.

Paggamit:


1. Hugasan ng mabuti ang mukha para bumukas ang mga pore para mas madali ang pagtanggal ng mga dumi dito.
2. Gumamit ng malambot na tela para matuyo ito.
3. Gamitin ang facial mask na ginawa mo sa buong mukha at iwan itong gumagana ng ilang minuto.
4. Banlawan ito ng mainit na tubig at hugasan uli gamit ang malamig na tubig para magsara ang mga pores.
SPONSORED LINKS

0 comments