PAANO MADALING TANGGALIN ANG MGA STRETCH MARKS GAMIT ANG ASPIRIN?

SPONSORED LINKS
Ang stretch marks ay ang mga mahaba at madali mapansin na mga linya sa balat na madalas makikita sa braso, puwit, sa ibabaw ng hita, sa tiyan at suso.




Ang mga stretch marks ay nangyayari kapag may nasira sa skin layers na collagen dahil sa sobrang pagkaunat ng balat. Ang karaniwang dahilan ng pagkakakaroon nito ay dahil sa pagbubuntis, sobrang taba, minana, mabilis na paglaki at stress.

Sa kabutihang palad maraming paraan ang maaaring magamit para matanggal ang mga madali mapansin na mga stretch marks sa katawan mo.

Mga natural na panlunas para sa stretch marks:

ASPIRIN

Ang paggamit ng aspirin dito ay kakaibang pakinggan pero napaka-epektibong paraan nito. Ang isang sangkap na gawa dito ay chemically related sa salicylic acid na nakapagpapaganda ng balat, tinatanggal ang mga acne at peklast sa balat at pinapaliit ang mga keloids.

Para magamit mo ang aspirin para sa stretch marks, durugin lamang ang hindi kukulang sa 3 tableta ng aspirin hanggang mapino ito. Ihalo ito sa ilang patak ng tubig hanggang magmasa. Ipahid ang solusyon na ito sa apektadong bahagi ng katawan at hayaang gumana ng mga 15-20 minuto bago ito hugasan.


OLIVE OIL

Marami itong laman na nutrisyon at antioxidants na makatutulong para sa ikatatanggal ng mga stretch marks. Gumamit ng medyo mainit na extra-virgin olive oil at masahihin ito sa mga apektadong parte gamit ang paikot-ikot na galaw. Hayaan itong gumana ng kalahati sa isang oras para sumipsip ito ng husto sa balat.

LEMON JUICE
Ang lemon ay epektibo para sa stretch marks dahil sa acidic property nito. Mababawasan din ang mga peklat na gawa ng acne sa paggamit nito. Hiwain ang lemon sa kalahati at gamitin ito para ipahid sa mga stretch marks gamit ang paikot-ikot na galaw. Hayaan itong gujmana ng ilang minuto bago ito hugasan.

EGG WHITES

Ang egg whites ay epektibo para sa stretch marks dahil mayaman ito sa amino acids at protina. Batihin lamang ang puti ng dalawang itlog gamit ang tinidor. Ipahid ito sa mga apektadong parte ng balat gamit ang malinis na brush. Hayaan itong gumana ng ilang minuto at matuyo bago ito hugasan ng tubig. Tapusin ito sa paggamit ng olive oil sa balat. Ulitin ito ng madalas ng hindi kukulang sa dalawang linggo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments