PAANO MO GAGAWIN NA PERMANENTENG PANTAY ANG BUHOK MO GAMIT ANG COCONUT MILK AT LEMON?

SPONSORED LINKS
Ang pantay na buhok ay pangarap ng ilang mga kababaihan. Kapag pantay ang buhok ay mas magpapakita ito ng kagandahan at personalidad. Mas simple rin itong tingnan. Maraming tao ang gumagastos sa salons, bumibili ng straightening irons at mga chemical related na produkto para lamang makamit ang dream hair styles nila.



Pero dahil sa sobrang init at mga kemikal, ang buhok ay madaling natutuyo at nasisira. Maaaring pantay ito pero hindi na ito magandang tingnan.

Para maiwasan mo ang sitwasyon na ito ay pantayin mo ang buhok mo gamit ang isang natural na paraan. Ito ay isang luma, tradisyonal at epektibong paraan para sa perpektong pantay na buhok.

Magagawa mo ang mga sumusunod para magkaroon ka ng perfect straight hair sa maikling panahon lamang:

STEP 1:

Ihalo ang 1 tasa ng coconut milk sa lemon juice. Haluin ng mabuti hanggang magkaroon ka ng homogeneous mixture o pantay na ang pagkahalo nila.

Step 2:

Gamitin ito sa hair roots at hanggang sa dulo nito. Marahan na pigain ang buhok para sumipsip ng husto ang mixture dito.

Step 3:

Balutin ang buhok ng tuwalya o cellophane para hindi matapon ang mixture na ginawa mo. Pabayaan itong gumana ng 15 minuto o sobra pa para sa pinakamainam na resulta.

Step 4:

Banlawan ang buhok gamit ang tubig at isang shampoo. Lagyan ng conditioner ang buhok at masahihin ang scalp. Hugasan ito uli ng tubig.

Step 5:

Patuyuan ang buhok gamit ang hair dryer. Mapapansin mo kaagad ang magandang pagbabago sa buhok mo.

Ulitin mo ito ng madalas para mas matagal na maging pantay ang buhok. Magiging mas malambot at makintab din ang mga ito.

Ang coconut milk ay naging kilala dahil epektibo ito sa pagpapantay ng buhok pero kapag isinama ito sa lemon juice ay mas magiging epektibo ito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments