PAANO MO MAPAPALIIT ANG MGA MALALAKI NA PORES SA MUKHA GAMIT ANG MGA NATURAL HOMEMADE REMEDIES NA ITO

SPONSORED LINKS
Bawat isa sa atin sa mundo ay may mga pores sa balat. Malalaki ito para sa ilang mga tao at sa iba naman ay maliit. Ang mga tao na may oily T-zone ay ang madalas na may malalaking pores. May mga pagkakataon na sobrang laki na ng mga ito na para na itong mga butas sa mukha na hindi kaaya-ayang tingnan.



Mahirap matanggal ang problema na ito kahit ano pang mga nabibiling mga skin care products ang subukan mo. Mapupunta lamang sa wala ang pera na nagastos mo. Ang mga pores na ito magsisilakihan uli pagkalipas ng ilang araw dahil hindi gumagana ng malalim ang mga ginagamit mo na skin care products.

Sa artikulo na ito mababasa mo ang mga natural homemade remedies para hindi na bumalik ang malalaki na mga pores sa mukha mo:

EGG WHITE AT LEMON JUICE


Ihalo ang lemon juice sa 2 whites ng itlog sa isang tasa. Ihalo ito ng mabuti hanggang magkaroon ka ng isang paste na magagamit mo para linisin ang mukha. Pagkalipas ng 15 minuto, banlawan ang mukha at mapapansin mo na natanggal na dito ang mga dead skin cells at mga sobrang langis.

TOMATO AT LEMON JUICE

Gumamit ng 2 piraso ng kamatis para makagawa ng puree. Dagdagan ito ng lemon juice para makagawa ng isang paste. Gamitin ito sa mukha at pabayaang matuyo ng hindi kukulang sa 15 minuto. Hugasan ang mukha pagkatapos. Dahil may laman na acid ang kamatis at lemon juice, ang langis sa mukha mo ay maalis at ang dahil dito ay liliit ang mga skin pores sa mukha mo.



ROSEWATER, LEMON AT CUCUMBER


Ang kombinasyon ng tatlo na ito ay may kakayahan na linisin ng husto ang mga skin pores sa mukha mo. Balatan ang cucumber at ihiwalay ang laman nito. Kumuha ng 1 teaspoon ng rosewater at 4 patak ng lemon at ilagay ito sa isang piraso ng tela. Pagkatapos nito ay maaari mo na itong magamit sa mukha mo ng mga 15 minuto. Bago mo hugasan ang mukha, dapat natuyo na ang facial mask na ginawa mo.

PINEAPPLE AT LEMON JUICE


Ihalo ang 2 tablespoons ng pineapple juice at lemon juice. Gamit ang isang piraso ng tela, ibabad ito sa solusyon at ilagay ito sa mukha. Pabayaan ito na gumana ng 10 minuto bago hugasan ang mukha. Ang pinya ay may enzymes na nakakapagpaliit ng mga skin pores. Ang lemon ay gumagana bilang astringent dahil sa acidity nito.

ALMOND AT LEMON JUICE

Pabayaang nakababad sa tubig ang ilang piraso ng almonds magdamag. Sa umaga, kunin ang almonds at durugin ang mga ito hanggang makabuo ng isang paste. Dagdgan ito ng 1 teaspoon ng lemon juice at haluin ng mabuti. Gamitin ito sa mukha ng hindi kukulang sa 25 minuto bago hugasan ang mukha.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments