Marcelito Pomoy, sinurpresa ang isang Lola ng bagong bahay

Kamakailan lang ng muling gumawa ng pangalan si Marcelito Pomoy sa America`s Got Talent dahil sa kanyang napakagandang boses. Pinatunayan niya ang angking talento at galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Ipinakita din nito ang pagtutulungan ng bawat isa sa atin. Nagviral kasi sa social media ang bahay ni Nanay Auro Verano, isang matanda sa Quezon Province. Kalunos-lunos ang sitwasyon ng matanda dahil sa bahay nitong halos sirang-sira na.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Sa unang araw, sinimulan na ang pundasyon ng bagong bahay na itatayo nila. Gumawa rin sila ng bubong at dingding. Pininturahan din nila ang bahay ng kulay pula pagkatapos.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Matapos naman itong pinturahan, binigyan pa ni Marcelito ng laman sa looban ng bahay ng furniture gaya ng kama, upuan, at mesa. Mayroon ding mga utensils sa kitchen area. At sa panghuling araw mga final touches na ng bahay at ready na itong tirhan.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Maging ang nagbahagi ng lumang bahay ni Lola na si Aiza Hernandez ay tuwang-tuwa sa pagkakawanggawa ni Marcelito. Siya ang nagbahagi ng launos-lunos na sitwasyon ng matanda kaya`t nakakuha agad ito ng atensyon sa social media. Nahabag si Aiza kung kaya`t gustong-gusto niya talagang tulungan si Nanay. Matagal-tagal ring tumira si Nanay umabot sa sampung taon na.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Matapos pa ang lahat ng ito, nag-abot din si Marcelito ng relief goods kay Lola Auro at sa kanyang mga kapitbhay


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Napakamatulungin talaga ni Marcelito. Hindi lang sa kahusayan nito maipagmamalaki si Marcelito kundi maging sa kanyang busilak na kalooban.Isang napakabuting modelo maituturing si Marcelito.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube

Saludo ang lahat lalo na ang mga netizens sa kaniyang ginawang pagtulong sa matanda . Bumuhos ang pagpuri siya ng mga netizens dahil dito.


Source: Marcelito Pomoy Official Youtube



Post a Comment

0 Comments