Tinaguriang Legend na si Kobe Bryant di-matatawaran ang halaga ng mga naiwan nito.

Kilalang-kilala at di maikakaila ang kasikatan sa larangan ng basketball si Kobe Bryant o mas kilala bilang “Black Mamba”. Iniidolo siya mapakabataan man o matatanda dahil sa angking galing niya sa paglalaro ng basketball.


credit: Ramsheen TV Youtube

Kaya nang maibalita na siya ay pumanaw dahil sa isang helicopter accident, marami ang nalungkot at nakidalamhati. Nakiramay ang buong mundo sa kaniyang pagkawala dahil nawala ang isang legend ng basketball.


credit: Ramsheen TV Youtube

Bukod pa sa larangan ng basketball, gumawa din siya ng pangalan at nakilala sa pagiging endorser 
ng mga kilalang produkto gaya ng Adidas, Nintendo, Sprite, at Turkish Airlines. 
At maging sa pag-endorse ng Nike. Umaabot sa halos 10 milyong dolyar ang kaniyang kinikita dito.


credit: Ramsheen TV Youtube

Siya ay isa mga highest paid athletes sa history ng basketball ayon sa Forbes. Malaking-malaki ang kinikita niya sa kanyang pagiging basketbolista at endorser.


credit: Ramsheen TV Youtube

Ilan sa mga naipundar na mga ari-arian na kanyang naiwan ay ang kanyang mga sports car na Mercedes Benz at Ferrari . Alam natin na ang mga mamahaling sasakyan na ito ay tanging mga mayayaman lamang ang nakabibili.


credit: Ramsheen TV Youtube

 Base sa ulat ng celebrity Networth, kumikita siya noon ng $25 milyon taon-taon. Kaya humigit-kumulang sa $600 milyon ang total networth ng ating idolong Black Mamba.


credit: Ramsheen TV Youtube

Sa nangyaring ito, lahat ng kanyang naipundar na mga ari-arian ay maiiwan sa kanyang asawa na si Vanessa Bryant at kanilang tatlong anak.


credit: Ramsheen TV Youtube

Anumang dami ng mga kayamanan na ito na naiwan sa kanila, hindi pa rin maitatanggi na nakakalungkot at nakakapanghinayang pa din ang pagkawala niya at ng kaniyang isang anak na si Giana “Gigi” Bryant.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin mabubura ang legacy na ginawa at iniwan niya sa mundo. Hindi kailanman makakalimutan ang numero ng kanyang Jersey na 24 na patunay ng kaniyang mga kakaibang moves at angking galing sa paglalaro.

Post a Comment

0 Comments