8 Negatibong Epekto Ng AirCon Sa Kalusugan

8 Negatibong Epekto Ng AirCon Sa Kalusugan 


Air conditioners o ACS ang mainam na ginagamit ng ibang tao upang mabawasan ang init na nararamdaman lalo na kung summer

Ngunit, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang pananatili sa AC sa matagal na oras ay mayroon ding maaaring maging epekto sa ating katawan. Kahit gaano pa tayo ka-komportable na manatili sa AC kahit buong araw at magdamag, mayroon pa din itong ibinibigay na makakasama at epekto sa ating katawan.

Narito ang ilan sa mga masasamang epekto na maaari mong makuha sa air condition:

Pagtutuyo ng mata


Ang pananatili sa air conditioners ng matagal ay maaaring makapagpalala ng mga sintomas kapag ikaw ay mayroong tuyong mata. Ang pagkakaroon ng pagtutuyong mata ay talagang nakakairita at nakakainis dahil sa kati na hatid nito. Ang mga taong nakakaranas ng pagtutuyong mata ay hindi dapat manatili sa AC ng matagal na panahon.

Pagtutuyo ng balat

Ang sobrang pagkakalantad ng iyong balat sa AC kasama na rin sa pagkakalantad mo sa araw ay maaaring maging sanhi ng pagkati at pagkatuyo ng iyong balat. Ang iyong balat ay maaaring bumalik sa normal makalipas ang ilang oras ng pananatili sa labas ng bahay, ngunit ang pagtutuyo ng balat ay madalas na nagtatagal.

Dehydration


Hindi katulad sa ibang kwarto, ang kwarto na may AC ay may mas mataas na probilidad na ikaw ay magkakaroon ng dehydration. Ang AC ay sumisipsip ng labis na kahalumigmigan sa kwarto, at makakaramdam ka nalang ng dehydration dito. Isipin mong mabuti na noong ikaw ay nasa AC na mayroong low temperature lamang at ikaw ay nanlalamig at nakakaramdam na kailangan mong uminom ng tubig.

Problema Sa Baga

Maaari kang makaranas ng pagbabara ng ilong, rhinitis, at pagtuyo ng lalamunan. Ang rhinitis ay isang kondisyon kung saan ito ay nagiging sanhi ng pamamaga ng mucous membrane sa ilong. Ito ay sanhi sa pamamagitan ng allergic reaction o impeksyon sa bayrus.

Asthma at Allergies


Para naman sa mga sensitive, ang pananatili sa loob ay makakatulong dahil sila ay maaaring malayo sa iba pang pollutants. Ngunit, ang iba ay maaaring makaranas ng kabaliktaran nito. Kung ang iyong AC ay hindi malinis, ito ay maaaring maging sanhi upang mas tumaas ang tsansa na lumala ang iyong alergis at asma.

Nakakahawang sakit

Maaaring maging sanhi upang matuyo ang daanan sa loob ng iyong ilong ang matagal na nakababad sa AC. Maaari ding mangyari na ang pagtuyo ng iyong mucuous at pagiging iritado ng iyong mucous membranes. Ang kawalan ng proteksyon ng mucous ay maaaring maging sanhi para mas lalong ikaw ay tamaan ng mga viral infections.

Pananakit ng ulo


Dahil sa pagiging dehydrated na sanhi ng AC ito ay maaring maging sanhi ng migraines at pananakit ng ulo. Kapag ikaw ay pumasok at lumabas sa AC rooms o di naman kaya ay punta sa init sa labas ng biglaan matapos mong manatili sa AC ng matagal na oras, mayroong pagkakataon na makakaranas ka ng pananakit ng ulo. Kapag naman ang mga AC rooms ay hindi napanatili ng maayos, ikaw ay maaaring madaling kapitan ng migraines at pagsakit ng ulo.

Lethargy

Ito ang aparato na ginagamit upang ikaw ay palamigin kapag sobrang init sa labas at ito ay mayroong masaman epekto sa'yo. Ang mga tao na nananatili sa AC sa matagal na oras ay nakakaranas ng sluggishness at lethargy, base sa ilang pag-aaral.

Post a Comment

0 Comments