Halamang Makahiya mabisang gamot laban sa Sampung Sakit

Itinuturing na damong ligaw ang makahiya dito sa Pilipinas. Naging makahiya ang pangalan nito dahil sa tuwing ito ay iyong hahawakan,tumitiklop ang dahon nito na tila nahihiya. May maraming tinik naman ang katawan nito at namumulaklak ng kulay rosas. Nagmula ang tanim na ito sa Amerika.

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

1.Ang buong halaman ay maaaring gamitin sa panggagamot.

Ilaga at ipainom ito sa taong may karamdaman. Maaari ding katasan ang halaman upang ipampahid sa ilang kondisyon sa balat.

2.Ugat. 

Ginagamit ang ugat ng makahiya sa panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan.

3.Dahon. 

Ang dahon ay maaaring ilaga din, o ihalo lamang sa inumin.

4.Buto. 

Ito ay kadalasang dinidikdik at ipinangtatapal sa ilang kondisyon sa katawan.

Ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng makahiya ay ang mga sumusunod:

1. Dysmenorrhea.

Inumin ang pinaglagaan ng dahon ng makahiya para sa kondisyon ng dysmenorrhea o ang pananakit ng puson na kadalasang nararamdaman kapag may buwanang dalaw.

2. Hika. 

Ang pag-inom sa pinaglagaan ng buong halaman ng makahiya na mabawasan ang mga sintomas ng hika.

3. Ubo na may makapit na plema. 

Mabisa naman para sa kondisyon ng ubo na may makapit na plema (dry cough) ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya.

4. Sugat.

Inilalagay naman ang dinikdik na buto ng makahiya sa mga sugat upang mapabilis ang paghilom ng mga ito. Ang katas mula sa dinikdik na halaman ay may kaparehong epekto din kung ipampapahid sa sugat.

5. Pasa. 

Ang mga pasa ay maaari naman lagyan ng dindikdik na dahon ng makahiya. Mabilis na mawawala ang maitim na kulay ng pasa.

6. Hirap sa pag-ihi.

Mabisa naman para sa kondisyon ng hirap sa pag-ihi o ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng makahiya.

7. Almoranas. 

Ang pamamaga at pagsusugat ng tumbong ay maaaring matulungan ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng pinulbos na dahon at ugat ng halamang makahiya.

8. Diabetes. Pinaniniwalaan ding makakalunas ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya sa sakit na diabetes.

9. Galis. 

Maaari din gamitin ang katas ng dinikdik na halamang makahiya para sa pangangati at pagsusugat sa balat na dulot ng galis.

10. Pagtatae. 

Ang dahon ng makahiya ay maaaring ihalo sa inumin para maibsan ang pagtatae na nararanasan.

Post a Comment

0 Comments