Hugis Payong Na Ulap, Tinakpan Ang Bunganga Ng Bulkang Mayon

Kilala ang Bulkang Mayon bilang isa sa mga tourist attraction dito sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Albay sa Rehiyon ng Bicol na kung saan ay sumikat dahil sa taglay nitong hugis apa o sa Ingles ay tinatawag nila itong “Near-Perfect Cone Volcano”.


May taas ang bulkan na 2,463 metro o 8,081 talampakan. Sinasabi ding ito ay isang active volcano na kung saan ay maaari siyang pumutok anumang oras.

Noong nakaraang taon lamang ay nagparamdam ito dahil sa mga ibinubuga nitong abo na siya namang ikinatakot ng marami sa ating mga kababayan.



Ang bulkang ito ay muli nanamang nagpapansin sa mga tao at turista dahil kamakailan lang ay may mga ulap na hugis payong na pumalibot sa pinakatuktok nito.

Madami sa ating netizens ang mas lalo pang namangha dito at kitang kita naman sa larawan na napakaganda ng pagkakapatong ng mga ulap na ito sa bulkan na kung saan ay natakpan na halos ang pinakamatulis na parte nito.

Ang litratong ito ay ibinahagi ng isang netizen na si Noli Luna na kung saan ay umabot na sa 27k reactions at 26k+ na shares sa socmed.


Tinatawag na lenticular clouds ang nakita sa ibabaw ng Mayon Volcano.

Narito ang explanation ni Accuweather.com Meteorologist Jesse Ferell tungkol sa nangyaring cloud formation:



“When air moves over mountains, cooling sufficiently for condensation to take place. Lenticular clouds are different from other clouds because they don’t move.”

Ang bulkang ito ay talaga namang nagpapamalas ng napakagandang itsura na kung saan ay ito daw pala ay ipinangalan sa isang prinsesa na si Daragang Mayon na ang ibig sabihin ay Magandang Dilag o sa Ingles ay “Beautiful Lady”.

Hindi maitatanggi na isa talaga itong tourist attraction dahil sa litrato pa lang ay mapapa “WOW” ka na , paano pa kaya kung makikita natin ito ng actual.


Post a Comment

0 Comments