Ibinahagi ang nagsilbing inspirasyon kay Jericho Rosales sa tagumpay na tinatamasa

Sa panahon ngayon ng krisis na tila walang kasiguraduhan ang lahat bunsod ng COVID, minsan ay hindi natin maiwasang sumuko lalo na sa mga pangarap na nais natin pang abutin.


Para sa actor na si Jericho Rosales, walang dahilan para tumigil sa pangarap dahil sa mga negatibong nangyayari sa ating paligid.


Sa tingin ng marami sa atin ang tumigil sa pangangarap at maabot ang ating mga layunin dahil sa negatibong mga kadahilanan sa paligid natin-kahirapan, kawalan ng suporta at ang karagdagang kawalan ng katiyakan na nakukuha natin sa pandemyang ito,”saad ni Jerico.

Kaya naman, naibahagi ni Jericho ang kanyang mga humble beginnings bago siya mag-artista. Mula sa hirap ay nalagpasan niya ang proseso at naabot niya ang kanyang mga pangarap.

Nagmula sa mahirap na pamilya si Jericho. Hindi siya nakapagkolehiyo dahil na rin sa hindi niya alam ang pupuntahan at hindi rin nila ito kayang tustusan. Noong bata, siya ay nangongolekta ng mga sirang wires, at mga lumang dyaryo para ibenta sa junk shop. Naranasan niya ding maging driver, magtinda ng ice buko, at delivery boy.


Malinaw na napakahirap talaga ng kanyang buhay. Walang tao ang magnananais ng buhay na kanyang dinanas pero hindi niya binitawan ang kanyang pngarap at paniniwala sa Diyos.

“Mayroon akong pananalig sa Diyos at nagkaroon din ako ng oras. Sa pagdarasal at hindi na tumigil sa pagdating ng mga bagong bagay. Patuloy akong gumalaw. Pinananatili ko ang aking pangarap sa harap ko’”pahayag ni Jericho.



Ayon kay Jericho sa pamamagitan ng sipag, tiyaga,at pangarap ay walang imposible.

“Ang pag-aaral sa sarili, mga kasanayan sa pagkatuto, na nakapaligid sa iyong sarili sa pasulong na pag-iisip tulad ng mga taong may pag-iisip na gumagamit ng ating mga hamon bilang mga tool para sa pagpapabuti sa sarili / pag-unlad ay mga susi sa pagbubukas ng mga pagkakataon,”kwento pa ni Jericho..



Natuto siyang mag English sa panonood ng TV at pelikula. Talagang pinipilit niya ang sarili na matuto para maabot ang kanyang inaasam.

At ngayon, nasaan nga ba si Jericho? Isa na siya sa mga tinitingala ngayon sa industriya ng showbiz. Napakagaling na actor at naaabot na niya ang kanyang pangarap, ang makapagpagawa ng sariling bahay at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.



“Kaya't panatilihin ang pangangarap, patuloy na umaasa at patuloy na gumagalaw. Ikaw ay ginawang isang bagay at isang tao para sa iba pa. Nais kong lahat tayo ay may magandang kinabukasan at gagawin ko ang aking bahagi upang magawa iyon,”mensahe ni Jericho.

a


Post a Comment

0 Comments