Inihaw Na Butiki, Popular Ngayon Sa Bansang Vietnam!

Bawat lugar ay mayroong kani-kaniyang masasarap at kakaibang putahe na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista. 



Ang ilan pa nga ay bumabyahe ng malalayong lugar o di kaya naman ay gumagastos ng mahal para lang mahanap ang mga pagkain na kanilang inaasam-asam. 



Isa ang Vietnam sa mga bansa na madalas puntahan ng mga turista hindi lamang sa magagandang tanawin at templo kundi dahil na rin sa kanilang mga inihahaing pagkain na maliban sa pagiging masarap ay talaga namang kakaiba kumpara sa nakasanayan mo na. 

Ilan lamang sa mga popular nilang pagkain ay ang noodle soup na tinatawag rin nilang “Pho” at ang fried sping rolls.



Kaugnay nito, kamakailan lang ay ginulat nang isang balita ang mga netizens nang kumalat sa social media ang bagong putaheng ibinebenta sa Vietnam kung saan bida ang mga butiki!



Iniihaw ang mga butiki at inihahain itong nakapatong sa ibabaw ng mainit na kanin. Patok na patok ang ganitong uri ng pagkain sa lugar ng Vietnam at dahil mabilis itong maubos sa pamilihan ay kinailangan pa nilang magtayo ng mga “farm”. Dito nila inaalagaan at pinaparami ang mga butiki na minsan ay ibinibilad o di kaya naman ay sabay-sabay na iniihaw sa pugon.




Ang nasabing balitang ito ay ibinahagi sa social media ng Facebook page na Viral Cham at sinabing hindi di umano tanggap ng karamihan sa mga netizens ang ganitong uri ng “exotic” na pagkain.

“Netizens can’t accept that the Vietnamese use roasted lizards to make such bizarre food like the “Lizard rice bowl.”

Ganoon pa man, may ilang netizens ang gustong masubukan kung ano ang lasa ng inihaw na butiki at sinabi pang hindi na nila kailangang pumunta pa ng Vietnam dahil sa bahay palang nila ay naglipana na ang mga ito. Samantala ang ilan naman ay pabirong sinabi na mag-aalaga nalang din sila ng nasabing hayop baka sakaling ito pa ang maging daan para sila ay yumaman.



"Whoever has a lot of lizards at home, maybe you’ll earn heaps if you sell them to Vietnam!”, dagdag pa ng Viral Cham.

Ikaw, nanaisin mo din bang kumain ng ganitong uri ng putahe?

Post a Comment

0 Comments