Isang paalala ng Netizen sa pagbabaon ng Bottled water sa loob ng sasakyan

Sa mga mahilig bumyahe at magtravel dyan na gamit ang sarili nilang sasakyan, para sayo ito.



Karamihan sa atin na bumabyahe, di natin maiiwasan ang hindi magdala ng bottled water upang maiwasan ang makaramdam ng uhaw, itawid anng kagutuman at madehydrate.

Ngunit marami pa rin sa atin ang nagbibitbit ng bottled water sa byahe ay alam nyo ba kung gaano kadelikado and mga ito na maiwan ito sa loob ng sasakyan?

Ayon kay Dioni Amuchastegui, isang battery technician sa Idaho Power sa Amerika, kwento niya. Habang siya ay kumakain ng kaniyang tanghalian ay may napansin siyang usok na nanggagaling sa kaniyang sasakyan. Buong akala nya ay alikabok lang nag mga iyon, ngunit nagkamali siya.

Nang makalapit sa kaniyang sasakyan , natuklasan niya na ang naiwan na bottled water sa loob ang dahilan ng pag-usok ng kanyang sasakyan. Sabi niya, nakatutok ang sikat ng araw sa bote ng tubig at doon nagsimulang umusok at masunog ito.

Ipinaliwanag din ni David Richardson ng Midwest City Fire Department sa Oklahoma:

“ The air temperature doesn`t matter. It works just like a magnifying glass, like one that you would use to burn leaves as a kid. It`s the same principle.”

Inihalintulad niya sa isang science theory na kapag ang dahon ay natutukan ng magnifying glass at itinapat ito sa sinag ng araw ay masusunog ito.

Ang bote ng tubig ang nagsilbing magnifying glass at dahil din sa ito ay isang plastic na bagay ay mabilis talagang mag-init at masunog.

Ang pinakamasama pa rito ay maaring masunog din ang iyong sasakyan.

Ito ay isang mabuting paalala para sa lahat na huwag mag-iwan ng bottled water sa loob ng ating sasakyan. Kung maiiiwasan ito`y makakapanatag sa ating mga kaligtasan. Huwag ipasawalang-bahala.

Post a Comment

0 Comments