Litrato ng Dalawang Estudyante na kumakain sa loob ng CR

Ang dalawang estudyanteng ito napipilitang kumain sa loob ng CR ng kanilang classroom tuwing tanghalian. Makikita natin sa larawan ang kaawa-awang sitwasyon ng mga ito habang nakaupo sa sahig ng CR at ginawa pa nitong lamesa o patungan ng lunch box at nakaharap pa sa mismong inidoro ng CR.



Bagaman napakasikip ng lugar at marumi ang paligid, kumakain pa din ang mga ito para magkaroon ng lakas para sa susunod pang oras ng klase. Nakalulungkot isipin na sa isang lugar kung saan inaasahan natin na matututo ang mga bata ng karunungan at bagong mga kasanayan at magkaroon ng mga kaibigan, ay nakararaanas rin ito ng tinatawag na bullying.


Maaaring ang dalawang estudyante na ito ay bagong lipat lang sa paaralan. Maaaring dahil sa pagkakaroon ng ibang wika, estado sa buhay, pinagmulang lugar, tradisyon o kaugalian, nakatanggap ng diskrimasyon ang mga batang ito. At dahil sa matinding panggipit na nakuha nila sa mga bagong mga kaklase, napilitang silang sumuko na lang at magparaya.



Humakot ng simpataya at awa mula sa mga netizen ang kumalat na larawan na ito ng dalawang estudyante at nagpahayag ng kani-kanilang pagkadismaya sa pangyayaring ito. Ang ilan ang nagpahayag din ng kanilang naging karanasan noong nakaramdam din sila ng pambubully sa loob ng paaralan. Ang iba naman ay nagpahayag ng pagkadismaya sa pamunuan ng paaralan.


Dahil sa di-inaasahang pangyayari o pagbabago ng kalagayan sa buhay, maaaring iwan ng estudyante ang kaniyang dating paaralan at mga kaibigan at lumipat ng lugar. Sa bagong lugar na kanilang pupuntahan at bagong paaralang papasukan, umaasa ang
 mga bata na makapag-aral ng maayos at magkaroon ng mga bagong kaibigan.



Ngunit dahil sa nagiging pangit na ugali ng mga bata ngayon, dumarami ang mga estudyante na nakararanas ng bullying sa paaralan. Umaasa tayo na makarating sa pamunuan ng paaralan ang pangyayaring ito at magawan ng mabilisang aksyon.


Ang mga magulang din ay responsable sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na may kagandahang asal at paggalang sa kapwa. Kung mapagtutuunan ito ng pansin at malalapatan ng tamang solusyon, wala ng bata ang makararanas ng diskrimasyon. Sa halip, lalaki sila sa isang lugar na huhubog sa kanila na maging maligaya at matagumpay na tao sa hinaharap.

Post a Comment

0 Comments