Matapos na Lumindol sa Turkey, umagos ang Tubig na Dugo sa ilalim ng Lupa nito

Nasa 18 katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Elazig, Turkey.


Tinatayang nasa 30 iba pa ang na-trap sa mga bumagsak na istraktura at mahigit 500 ang nasugatan.

Ayon kay Turkey Health Minister Fahrettin Koca, dalawa sa nasawi ang inatake sa puso sa kasagsagan ng lindol.

Naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Sivrice sa probinsiya ng Elazig at may lalim na 6.7 kilometers.


Sinundan pa ito ng mga malalakas na aftershocks na sumusukat ng magnitude 5.4 at 5.1.

Pagkatapos mawasak ang nasabing lindol, may isang video clip na mabilis na kumalat online na ibinahagi ng Daily Star, makikita sa video ang pagdaloy ng tubig na tila dugo matapos mabiyak ng lupa dulot ng malakas na lindol.


Ini-upload ang naturang video sa social media page na Extreme Weather World 24 na may caption na “TURKEY – Magnitude 6.8, Red Water From The Ground After The Earthquake.”

Hindi binigyang pansin ang ibig sabihin sa nangyaring pag iba ng kulay ng tubig dahil sabi ng mga nakatira ditto na posibleng ang pinagmulan nito ay ang pangkulay na nahalo sa tubig mula sa mga water supplies upang makatulong sa mabilisang pagtuklas ng mga tagas.


Dahil may ibat-ibang kulay pa daw na inihalo ang mga technician tulad ng kulay nerde at dilaw. Sa iba naman, naniniwla silang isang senyales umano ito mula sa nakatala sa Book of Revelation,Chapter 16 na dito nagsimula ang hakbang sa paggunaw ng mundo.

Kung ano man ang ibig sabihin ng kulay na ito, nawa`y mapukaw ang damdamin ng bawat tao sa buong mundo na bigyang pansin at halaga ang ating kapaligiran, dahil ang mga phenomenon na nangyayari ngayon ay bunga lamang ng gawa ng tao noon at ngayon.

Post a Comment

0 Comments