Pagkakaayos ng ulap na na nagpahiwatig ng “LOVE” ikinaluha ng mga Netizens, isang Pag-asa sa kabila ng Krisis

Sa ating mga pagsubok at krisis na kinakaharap ngayon, nakakatuwang isipin na makakita ng mga senyales na talaga nakapagbibigay sa atin ng pag-asa para lumaban at magpatuloy sa ating buhay.


Ang larawan na ito ay ibinihagi ng isang netizen na taga Surigao Del Norte.

Kwento ni Analiza Sampinit, napansin niya ang kakaibang anyo ng kaulapan kung saan may nakasulat dito na salitang 'LOVE'. Nang mga oras na iyon, siya ay nasa kanilang hometown sa Barangay Bon-Ot sa Carrascal.

Matapos makita ang kaulapan, dali-daling kinuha ni Analiza ang kaniyang cellphone upang kuhanan ito ng litrato at ibahagi sa Facebook.

Nilinaw ni Analiza na hindi niya in-edit ang mga larawan. Ang mga kaulapan na makikita sa larawan ay nasa taas ng isla at mayroong liwanag na nagmumula sa kalangitan.


Kung titignan mabuti ang mga ulap, maaaring makabuo ang tao ng mga letters na 'L-O-V-E' sa unang tatlong letra na nasa larawan dahil ito ay mas malinaw habang ang pang huling letra naman ay malabo.

Marami naman sa ating mga netizens ang namangha sa mga larawan. Mayroong ilang nagsasabi na maaaring ang formations ng mga ulap ay nagkataon lamang habang ang ilan naman ay namamangha pa din sa ganda nito at sa ganda ng mensahe na nais iparating nito.


Ang Facebook page na Love you so bad ay nag-iwan ng komento sa mga larawan at sinabing,

"THE SKY TELLS US SOMETHING SO WONDERFUL TODAY! Amidst the things that are happening now around the world, we all should be reminded that everything becomes lighter if we put some LOVE in it. Spread positive vibes! Spread love!"

Sa kabilang banda, mayroon namang mga netizens na nagsasabi na ito ay pareidolia lamang, ang pagkahilig ng mga tao na makakita ng mga hugis, mensahe, at patterns sa mga bagay bagay.


Ngunit, kahit man ito ay pareidolia lamang o hindi, lahat tayo ay sasang-ayon na nakapagbigay talaga ng ngiti sa atin at bagong pag-asa ang magagandang larawan na ito.

Post a Comment

0 Comments