Umani ng Papuri Si Lolo sa mga Netizens na nakatulog habang Nagtitinda Ng Saging sa Bangketa

Sa tulong ng Social Media, mabilis na kumalat ang larawan ng isang Lolo na naghahanapbuhay sa pagtitinda lamang ng saging sa bangketa. Makikitang sa larawan na nag-iisa lamang ito at mahimbing na nakatulog dulot siguro ng pagod sa pagtitinda.



Si Jeff Garcia, na siyang nagbahagi ng larawan, ay umani ng samu`t-saring mga reaksyon galing sa mga netizens. May mga nais mag-abot ng tulong dahil naantig sila sa sitwasyon ni Lolo.

Sa kabilang banda, nakagisnan na natin na sa pagtanda ng ating mga magulang ay responsibilidad na mabigyan natin ng maginhawang buhay .Makapagpapahinga sila dahil di-ganoong malakas ang knnilang pangangatawan. Inusisa rin nila kung may kamag-anak ba si Lolo o may mga anak.

Ayon pa sa caption ni Jeff,”Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos. πŸ‘΄
God bless you tatay πŸ˜“.


Isa si lolo sa mga taong nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya. Dahil sa angking kasipagan ni lolo, umani ito ng papuri habang ang ilan ay nais maghatid ng tulong para sa kanya.

Mas minabuti niyang magtinda kaysa mamalimos at gumawa ng iligal para mabuhay, sana naman matulungan si lolo para naman maramdaman niya ang magandang buhay sa mga natitirang panahon niya dito sa mundo.

Post a Comment

0 Comments