3-anyos na Bata, Marunong na Magluto ng Ulam, Ipinagluto pa ang mga kaibigan nito.

Marami ang natuwa sa ipinakitang galing ng 3 taong gulang na batang ito at talaga mapapansin mo na sa murang edad nya pa lang ay tinuruan na siya ng kanyang mga magulang ng basic na gawain para mabuhay.


Mas kampante ang mga magulang kapag alam nilang ang kanilang mga anak ay marunong sa anumang klaseng gawaing bahay para kahit mawala sila ay hindi mahihirapan ang kanilang mga anak dahil marunong ang mga ito.


Sa isang video na nag viral ay makikita mo ang isang batang tatlong taong gulang na babae na nagluluto ng pagkain para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kalaro.

Talaga namang marami ang humanga at napabilib sa ginagawa ng batang ito at umabot na sa higit na 800k views ang video nito sa youtube.

Mapapanood nyo sa video na hindi lang pala simple luto ang kanyang niluluto bagkus isang espesyal na putahe na Tasty Hilsa o Elish Fish Curry na ang mga sangkap ay isda, berdeng sili, coriander powder, cumin, red chili powder, turmeric powder at kanin.



Makikita rin sa video ang kanyang paraan ng paglilinis ng isdang kanyang lulutuin pati na din ang pagkakaliskis at paghuhugas ng mga ito.

Pagkatapos nyang hiwain ang isda sa maliliit na piraso ay kumuha ito ng malaking kawali at inilagay nya dito ang mga sangkap at nilagay sa lutuan at nilagyan ng kahoy.



Pagkatapos ng ilang minuto ay naluto na ang kanilang pagkain at hinain nya ito sa kanyang mga kaibigan at masarap daw ito sabi nila.

Talaga naman kahit sino ay mapapabilib sa ginawa ng batang ito na sa kanyang murang edad ay marunong na itong magluto ng pagkain.
a

Sana maging inspirasyon ito sa lahat ng magulang at bata na nanood nito at maturuan din nila ang kanilang mga anak na maging responsable at masipag na anak.

Post a Comment

0 Comments