Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Simula bata ka pa lang ay ang dami mo ng pangarap sa buhay at lahat ng iyon ang gusto mong matupad ngunit dahil sa hirap ng buhay marami ring pangarap ang hindi natupad.


Pero merong mga bagay na hindi mo sukat akalaing ito pala ang magbibigay sayo para maging maganda ang inyong buhay ayon sa matatanda "Magtanim ka ng kabutihan mula sa iyong kapwa".

Kaya kahit anong hirap man ng ating buhay ay patuloy lang tayo sa pag sunod sa batas at gumawa tayo ng mabuti sa ating kapwa araw araw. Gaya na lamang ng isang lalaking ito na si Woralop na nasa 45 years old at walang bahay at walang ding trabaho.


Kwento pa ni Woralop habang siya raw ay naglalakad ay nakita nyang biglang nahulog ang wallet ng isang lalaki na nasa harap nya. Agad nya itong pinulot at nang kanya itong tingnan nagulat siya sa laman nito na 20,000 baht o 30,000 pesos.


Kahit siya ay walang wala at walang makain hindi nya naisip na huwag isauli ang kanyang napulot na pera at hinabol nya ang may ari nito ngunit hindi nya ito naabutan.


Kaya naman naisip nyang pumunta sa pinaka malapit na istasyon ng pulisya at agad nya itong isinurender. Makalipas ang ilang araw na kontak na ang may ari ng pera at isa pala itong may ari ng isang kumpanya ng bakal sa Thailand na si Nitty Pongkriangyos. 

Dahil sa sobrang tuwa at pagka bilib sa kabaitang ipinakita ni Woralop at nalaman nyang wala itong trabaho ay agad nya itong kinuha para sa magtrabaho sa kanyang kumpanya.

Binigyan nya rin ito ng matutuluyang kwarto sa employeee hostel ni Nitty at binilhan nila ito ng gamit.

Post a Comment

0 Comments